KMC KaBaYaN MIGRaNTS COMMUNITY SEPTEMBER 2015
2
30
C O N T e N T s
Philippine Editorial Daprosa dela Cruz-Paiso Managing Director/Consultant Czarina Pascual Artist Mobile : 09167319290 Emails : [email protected]
While the publishers have made every effort to ensure the accuracy of all information in this magazine, they will not be held responsible for any errors or omissions therein. The opinions and views contained in this publication are not necessarily the views of the publishers. Readers are advised to seek specialist advice before acting on information contained in this publication, which is provided for general use and may not be appropriate for the readers’ particular circumstances.
COVER PAGE
WASHI
KMC SERVICE Akira Kikuchi Publisher Breezy Manager Tokyo-to,Minato-ku, Minami Aoyama 3-13-23, Patio Bldg., 6F Tel No. (03) 5775 0063 Fax No. (03) 5772 2546 E-mails : [email protected] Kabayan Migrants Community (KMC) Magazine Philippine Legislators’ Committee on Population and Development (PLCPD) participated the 2008~2011 4th~7th PopDev Media Awards KMC CORNER
Soft Choco Chip Cookies, Ginataang Spicy Itik / 4
EDITORIAL
Kampanya Laban Sa Human Trafficking Paigtingin / 5
FEATURE STORY
Pilipinas Most Social Nation / 8 Bagong Laban: Pagpapanatili Ng Mga Aral Noong Pebrero, 1945 / 10-11 Mga Benepisyo Ng Taong Masipag / 12 ‘Election Fever,’ Ramdam Na / 14 Pigilan Ang Galit / 15 Maging Positibo / 16 VCO - Mapaghimalang Langis VI / 34
READER’S CORNER
Dr. Heart / 6
REGULAR STORY
Parenting - Patatagin Ang Samahan Ng Pamilya / 7 Migrants Corner - Mga Problema At Konsultasyon / 17 Biyahe Tayo - Mayon Volcano, Bicol Region / 18 Wellness - Irritable Bowel Syndrome / 19
LITERARY
Karaoke Queen / 9
MAIN STORY
SONA Kontra TSONA
/ 13EVENTS & HAPPENING
UTAWIT 2015, Sakai Church, Ibaragi Church, Saitama UTAWIT, Nagano UTAWIT, Fil-Japan Friendship Day, Pinas saya sa Nagoya / 20-21 Vice Gandang Ganda sa Sarili in Tokyo, Calling Pinoys to Represent for Europop 2015, Philippine Festival 2015 / 24-25
COLUMN
Astroscope / 32 Palaisipan, Pinoy Jokes / 33
NEWS DIGEST Balitang Japan / 26 NEWS UPDATE Balitang Pinas / 27 Showbiz / 30-31 JAPANESE COLUMN 邦人事件簿 (Houjin Jikenbo) / 38-39 フィリピン人間曼荼羅(Philippine Ningen Mandara) / 40-41
Once again we celebrate the uniqueness and beauty of Japan this year. In November 2014, the Japanese “WASHI” paper was added to The United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) Intangible Cultural Heritage list. The varieties of “washi” paper registered to the list were Sekishu-banshi paper from Shimane Prefecture, Honminoshi paper from Gifu Prefecture and Hosokawashi paper from Saitama Prefec-ture. KMC magazine will be featuring different winsome Japa-nese “washi” paper designs for our 2015 monthly cover photo together with a monthly calendar. The magazine`s monthly cover page will certainly make you look forward to the next designs that we will be highlighting.
4
8
10
13
KMC KaBaYaN MIGRaNTS COMMUNITY SEPTEMBER 2015
4
KMc
CORNER
Mga Sangkap:
Ni: Xandra Di
Paraan Ng Pagluluto:
4
KMC KaBaYaN MIGRaNTS COMMUNITY SEPTEMBER 20151. Painitin ang oven ng 350°F.
2. Paghaluin lahat ng dry ingredients: all
purpose flour, baking powder at asin, itabi.
3. Gamitin ang electric mixer at i-mix ang
butter at brown sugar. Idagdag ang itlog
at vanilla extract.
4. Idagdag ang lahat ng dry ingredients,
i-mixer hanggang maging dough. Ilagay
1 ¼ tasa
all purpose
flour
½ kutsarita
baking powder
1/8 kutsarita
asin
11 kutsara
brown sugar
1 buo
itlog
1 tasa
choco chips
1 kutsarita
vanilla extract
Mga Sangkap:
2 kilo
itik
4 tasa
kakang gata ng niyog
2 ga-daliri luya, gadgarin
1 buo
bawang, dikdikin
2 buo
sibuyas, hiwain
4 puno tanglad, alisin ang
ugat at tuyong dahon,
dikdikin at ibuhol
5 buo
sili labuyo, tadtarin ng
pino
3 kutsara suka
paminta
dahon ng
sibuyas, tadtarin
mantika
asin
1. Hugasang
mabuti ang
karne ng
itik, ilagay
sa salaan
at hayaang
tumulo ang
s o b r a n g
tubig.
2. Igisa sa
kumukulong
mantika ang
bawang at
sibuyas.
3. Ilagay
ang itik,
isunod ang
ginadgad na
luya at isang
tasang gata.
Takipan ang
kawali at
h a y a a n g
kumulo ng
20 minuto
hanggang sa
lumambot
GINATAANG
SPICY ITIK
ang karne.
4. Timplahan ng asin at paminta. Isunod ang
sili at haluin.
5. Ilagay na ang kakang gata at suka, huwag
hahaluin. Ilagay ang apoy sa medium,
hayaang kumulo at huwag tatakipan ang
kawali.
6. Matapos ang 25 minuto, haluin at hayaang
magmantika na ang gata.
7. Patayin na ang apoy, ihain habang mainit
pa at budburan ng dahon ng sibuyas. Happy
eating! KMC
sa refrigerator at palamigin sa loob ng 30
minuto.
5. Ihanda ang aluminum foil at lagyan ito ng
konting butter, pampadulas. Gamitin ang
ice cream spoon pangkuha ng mixture at
isa-isang ilagay sa aluminum foil.
6. Ilagay sa oven at i-bake sa loob ng 9 - 12
minuto.
7. Kapag luto na,
alisin na sa oven at
palamigin sa loob
ng ilang minuto
bago ito ihain.
SOFT CHOCO CHIP COOKIES
I
L
L
E
G
A
L
R
E
c
R
U
I
T
E
R
Napanatili ng Pilipinas ang grading na Tier 2 o T2 sa taunan at pandaigdigang pagkilatis ng US State Department sa pinangangambahang Trafficking in Persons (TIP) Report 2015 ukol sa usapin ng human trafficking, nakakatuwa naman at pasado pa rin tayo.
Pasalamatan natin ang mga taong nasa likod ng tagumpay na ito sa kanilang pagsisikap na mapanatili ang gradong T2 sa mas pinaigting na kampanya kontra human trafficking. Kung hindi natin mapapanatili ang gradong Tier 2 ay maaaring maantala na naman ang ilang financial assistance mula sa United States of America at sa ilang bansa sa Europa.
Pahayag ni US Embassy Political Officer Rachael Parrish sa isang pagpupulong kasama ang mga opisyal ng Inter-agency Council Against Trafficking (IACAT), “The Philippines is well on its way to a Tier 1 ranking.”
The IACAT, Si Justice Secretary Leila de Lima ang Chairman ng IACAT at nagsabing ang latest rating “Is an apt recognition of the efforts of the members and partners of the government in the fight against the scourge of ‘Modern Day Slavery.’” Dagdag pa ni de Lima, “The Tier 2 ranking, the fifth in a row (2011-2015), reflects the collective strength of our entire nation, united in one common goal, to surely even though slowly, put an
end to modern-day slavery and all forms of exploitation. Samantalang si Justice Undersecretary Jose Vicente Salazar, in-charge of IACAT ay nagpahayag na ang rating is a “Welcome feedback on the hard work by government and its stakeholders in combating human trafficking.” Dagdag pa n’ya, “Our mandate is borne out of the responsibility of the government to protect its citizens.” Isang significant improvement sa 2015 TIP Report ay ang reduction of the recommended actions for the Philippine government, ayon pa sa kanya.
Sa paanong paraan, sa kabila ng mga pagsusumikap, napanatili pa rin ng Pilipinas ang gradong Tier 2 sa human trafficking, ang ibig sabihin na ang gobyerno ay mayroong mahahalagang nagawa subalit kapos pa rin na pumapasa sa pamantayan ng TIP sa ilalim ng US Trafficking and Violence Protection Act (TVPA) of 2000.
Ang “Tier 1” countries ay may mga gobyernong lubusang nakasunod o pumasa sa pamantayan ng TVPA para sa pagkaalis ng human trafficking, samantala ang “Tier 2” countries ay may mga gobyernong mayroong mahahalagang nagawa pero hindi pa rin pumasa sa pamantayan ng TVPA subalit patuloy na nagsusumikap. Ang “Tier 3” countries ay yoong may mga gobyernong
hindi pa rin pumasa sa pamantayan ng TVPA at walang mahalagang hakbang na ginagawa.
Lumabas sa US State Department Annual Trafficking in Persons Report na humigit-kumulang na 27 milyong tao sa buong mundo ang biktima ng trafficking. Ayon naman ng International Labor Organization (ILO), nagsisilbing “Source, destination and transit country” ang Pilipinas sa human trafficking. Taun-taon ang biktima ng human trafficking ay umaabot umano sa 200,000 Pilipino. Ang human trafficking ay kapareho ng Modern Day Slavery o pang-aalipin na sakop ang labor exploitation, organ trafficking, sexual exploitation and child labor. Itinuturing na tahasang paglabag sa karapatang-pantao at pagyurak sa dangal ng isang tao.
Kailangan pa ang malaking hakbang upang masugpo ang karumal-dumal na human trafficking sa bansa at sa buong mundo, malawakang pagkilos laban sa mga sindikato at kanilang mga galamay sa ilang ahensiya ng gobyerno.
Bigyang pansin ang rekomendasyon sa TIP report, kailangan ang mas malaking ayuda sa pondo. Paigtingin ang pagpapahalaga at agarang pagtugon sa mga pangangailangan ng kampanya laban sa human trafficking para sa lubusang pagsugpo nito. KMC
KAMPANYA LABAN SA HUMAN TRAFFIcKING
PAIGTINGIN
G
O
V
E
R
N
M
E
N
T
KAMPANYA LABAN SA HUMAN TRAFFIcKING
PAIGTINGIN
KMC KaBaYaN MIGRaNTS COMMUNITY SEPTEMBER 2015
6
rt
Ang reader’s korner natin dito sa KMC Magazine, mga suliraning pampuso na bibigyang payo ni Dr. Heart. Maaari kayong lumiham sa: KMC Service, Tokyo-to, Minato-ku, Minami Aoyama 3-13-23, Patio Bldg., 6F, o mag-Email sa:[email protected]
REAdER’S
CORNER
Dr.
He
Dear Dr. Heart,
Minsan na po akong nagkaroon ng karelasyon bago pa
kami nagpakasal ni Misis at matagal nang wala na kaming
communication ng ex ko. Dahil sa social media ay muli kong
nakausap si Ex at madalas na s’yang mag-PM sa akin kahit na hindi
ko na sinasagot ang mga Private Message (PM) n’ya. May tatlo
na kaming anak ng Misis ko at mahal na mahal ko po s’ya. Okey
naman ang pagsasama namin dahil bukod na sa maganda, mabait
at mabuting may-bahay s’ya. Masipag din sa trabaho at malaki ang
naitutulong n’ya sa akin. Pero nagpupumilit itong si Ex na magkita
raw kami, kahit na mag-coffee lang. Nakukunsensiya naman ako sa
Misis ko at pilit kong nilalabanan ang tukso ni Ex. Ano po ang pwede
kong gawin Dr. Heart sa pagpupumilit ni Ex?
Umaasa,
Greg
Dear Greg,
Nang itatag ng Diyos ang kasal, ginawa Niya itong maging
monogamous, heterosexual, and a complete union. Lagi mong
isapuso at isaisip na ang adultery o pangangalunya ay isang anay
na sumisira sa maraming tahanan. Ang mga Private Message ni
Ex sa ‘yo ay magtutulak sa ‘yo na labagin ang ‘yong sinumpaang
pangako sa ‘yong asawa. Ang mga PM na ito ay dapat itinataboy
na lumayo sa inyong relasyon ng Misis mo. Do not betray the
trust of your partner… huwag na huwag mong sisirain ang
tiwala ng ‘yong asawa. Tandaan mo rin na mahirap ibalik ang
tiwala ng isang tao na lubos na nagmamahal sa ‘yo. Nawa ay
manatili ang kapayapaan sa ‘yong damdamin at isipan.
Yours,
Dr.
Heart
Dear Lyka,
Sa buhay may-asawa ay may kanya-kanya
tayong pagsubok na nararanasan, iba-iba at hindi
magkatulad. Tulad din ng ugali ng tao, iba-iba at hindi
rin magkakatulad. Maaari rin namang magbago ang
sa isang individual alinsunod sa kanyang katayuan
sa buhay, sa kasalukuyang environment at edad. May
kasabihan din tayo na “Ang pag-aasawa ay hindi biro, hindi kaning
isusubo at iluluwa kung mapaso.” Lahat ng nararanasan nating sakit sa
kalooban ay may dahilan. Hindi lahat ng kahinaan ay sagabal, maaaring
isa itong paraan ng Diyos para tumibay ang ating pananalig sa Kanya. Sa
maraming
paraan, pinababa ng ating kahinaan ang level
ng ating
kayabangan. Ang ‘yong pagpapakumbaba
s
a
tuwing mag-aaway kayo ay magandang
bahagi ng ‘yong kahinaan dahil
natuto kang magpatawad. Ang
paghuhubad ng ‘yong wedding ring ay
maaaring nakakapagpaluwag ng
‘yong nararamdaman sa tuwing ikaw ay
nasasaktan, wala naman sigurong masama doon
dahil nagiging totoo ka lang sa ‘yong sarili.
Normal lang sa mag-asawa ang magkaroon
ng sigalot, subalit sana ay matutunan
din ninyong ayusin ang lahat ng gusot
sa inyong pagsasama bago kayo
matulog at ‘wag itong patagalin
pa. Ang lahat ng bagay ay naaayos
sa pag-uusap ng mahinahon.
Ipaliwanag ang ‘yong saloobin kapag
kayong dalawa na lang ang nag-uusap
bago matulog. Mas higit mo na s’yang kilala
ngayon kaya’t madali nalang kayong magkaunawaan. Huwag mag-isip ng
negatibo. Gamitin ang ‘yong karanasan bilang mabuting tao na marunong
magmahal at magpatawad. Mahal ka ng Diyos at mahal ka rin ng husband
mo. Be happy at magpasalamat sa lahat ng blessings na natatamo ngayon ng
‘yong pamilya. Mabuhay ka!
Yours,
Dr.
Heart
KMC
Dear Dr. Heart,
Bakit po ganito ang nararamdaman at nararanasan ko
bilang may-bahay at asawa ng lalaking pinakasalan ko ng
almost 20 years? Nasusuklam ako sa kanya sa tuwing
mag-aaway kami. Siya ang pinili kong pakasalan dahil bukod tangi
s’ya sa lahat ng mga naging bf ko, mabait at down to earth.
Dati po nang nag-uumpisa pa lang kami bilang mag-asawa
ay isa s’yang pangkaraniwang empleyado ng gobyerno.
After 7 years ay natanggap s’ya sa overseas employment ng
isang private firm. Napansin ko tuwing bakasyon n’ya at
umuuwi sa Pinas ay medyo nagbago na s’ya at may
pagka-selfish at kayabangan ng magsalita. Parang ngayon pa lang
lumalabas ang tunay n’yang ugali, mainitin ang ulo, konting
problema ay parating nakasigaw kung makipag-usap sa akin.
Nagagalit kapag ginagalaw ang 2 n’yang cellphone at parang
lahat na lang ng bagay na failure n’ya sa mga nakaraang
buhay n’ya ay isinisisi n’ya sa akin. Palagay ko tuloy wala na
akong ginawang tama. Samantalang dati-rati ay pinupuri
n’ya ako at ipinagmamalaki sa lahat ng kaanak at kaibigan
namin dahil mas matalino raw ako sa kanya. At eto ang peg
ko ngayon, kapag nag-away kami, kahit na masakit sa
loob ko ay madalas na ako na lang ang ‘di nagsasalita
at hinahayaan ko na lang na lumipas ang galit namin
sa isa’t-isa. Subalit bilang protesta at pagpapakita
na galit ako sa kanya, hinuhubad ko ang aming
wedding ring. Pero makalipas ang ilang linggo ay
muli na naman kaming magkakasundo at doon
ko pa lang muling isusuot ang wedding ring
namin. Dr. Heart, tanong ko lang po kung tama ba
ako sa aking ginagawa bilang pagpoprotesta sa kanya
ay huhubarin ko ang wedding ring, normal pa po ba ang
ganitong klase ng relasyon o kami lang ang may ganitong
problema? Minsan tuloy naiisip ko na baka may itinatago
s’ya sa akin kaya parating mainit ang ulo n’ya. Nakakapagod
na rin ang sitwasyon namin lalo na ngayon. Dapat ko na ba
s’yang hiwalayan at ng matahimik naman ang buhay ko sa
tuwing uuwi s’ya para magbakasyon?
Umaasa,
Lyka
ING
PARENT
Pamilya: Mahalaga ang pamilya dahil ito ang sentro ng ating lipunan. Ang isang barangay ay binubuo ng bawat pamilya. Kung walang mga pamilya walang barangay, walang bayan, walang lungsod, walang probinsiya, walang rehiyon at walang isang bansa. Nabubuo ang isang bansa mula sa pinagbuklod-buklod na pamilya.
Sa loob ng ating tahanan, ang pamilya ay karaniwang binubuo ng lolo at lola, tatay at nanay, ate, kuya at bunso. Mahalaga ang matatag at malusog na pamilya sa ating lipunan. Matatag na samahan, malusog na pangangatawan at isipan ng bawat miyembro nito. Tayong mga magulang ang gumagabay at nagtuturo sa ating mga anak ng katatagan. Kaya nararapat na ituro natin sa ating mga anak kung paano patatagin ang samahan sa ating pamilya, na bawat isa sa atin ay may pananagutan at pagpapahalaga sa bawat miyembro ng ating pamilya. Ito ang magsisilbing pundasyon para maging matatag at handa tayo sa lahat ng pagsubok na ating kakaharapin sa buhay. Paano natin sila tuturuan?
1. Bigyan sila ng pagkakataon na matutong magtiwala. Sa murang isipan ng ating mga anak ay dapat na hubugin natin ang tiwala natin sa isa’t-isa. Mahalaga ito lalo na sa foundation years ng mga bata. Nagsisimula ang lahat ng ‘yan sa ating
sinasabi sa mga bata, ang tanong—totoo ba ang sinasabi natin sa kanila? Kapag tayo ay nangako sa kanila, tinutupad ba natin? Mapagkakatiwalaan ba tayo ng ating mga anak sa binitiwan nating pangako? Kailangang makita nila na totoo tayo sa ating mga sinasabi at ginagawa at tinutupad natin ang ating mga pangako para matuto silang magtiwala. Iwasan ang mga palusot na katwiran sa mga pangakong napapako.
2. Ipakita at ipadama ang mainit na samahan, pag-iingat at pagmamalasakit sa bawat isa. Sa loob ng tahanan dapat magsimula sa mga papuri at pang-unawa sa kanila, “Magaling ka naman sa math, ‘wag kang malungkot kung mababa ang nakuha mo ngayong grado. Dagdagan mo pa ang sipag sa pag-aaral at siguradong mangunguna ka na sa klase n’yo.” Iwasan na tuligsain at laitin ang mga bata.
Ipadama rin na tayo ay may mababang loob at hindi naghahambog o nagyayabang kapag may nakuha tayong achievement. Magmalasakit kaysa magsiraan. Ang kasiraan ng isang miyembro ng pamilya ay kasiraan din ng buong pamilya. Mahalagang mayroon tayong suporta sa isa’t-isa upang maging matatag ang ating samahan. Iwasan din natin ang maglaglag ng isang miyembro ng pamilya na sa bandang huli ay ikababagsak din ng buong pamilya,
“Kita mo na, manang-mana ka sa Nanay mo!” Sa ganitong punto, bumagsak ang Nanay! Bagsak din ang pamilya. At sino ang nagpabagsak? Iyong tatay. Naging magaling ba si Tatay? Big No, dahil mag-asawa sila at apektado rin s’ya sa pagbagsak ng asawa niya at ng buong pamilya.
3. Magkaroon ng tamang pamantayan sa pag-asam at iwasan ‘yong sobrang taas ng ating pag-asam. Kadalasan mas mataas ang ating inaasam kaysa sa kakayanan ng ating anak. Hayaan nating harapin nila ang hamon na tama lang sa kanilang kakayanan. Huwag ‘yong sobrang nakakasakal na hindi naman akma sa kakayanan nila. Halimbawa, gusto nating maging isa siyang mahusay na architecture ang ating anak, maganda ‘yan! Sa tingin natin bagay sa kanya at posibleng kaya n’ya. Subalit kaya ba n’ya? Paano kung ang kaya n’ya ay musika? Maaaring s’ya ay maging isang composer at hindi architect. Huwag nating ipilit kung ano ‘yong gusto natin, unawain natin ‘yong gusto nila para maging masaya siya at ang buong pamilya. Mas titibay ang samahan kung may pagkakaunawaan.
Itanim at pagyamanin ang kalakasan ng ating pamilya, kung mahilig sa musika ay pagyamanin ito. Ipadama ang mainit na pagmamahalan at kalinga sa bawat isa upang maging matatag ang ating pamilya.
KMC
Patatagin Ang Samahan
Ng Pamilya
Patatagin Ang Samahan
Ng Pamilya
KMC KaBaYaN MIGRaNTS COMMUNITY SEPTEMBER 2015
8
stORy
FEATURE
Dati nang nasungkit ng Pilipinas ang titulo na “Text-Messaging Capital Of The World.” Gamit ang mas madaling internet access at mas mataas na smartphone adaption ay wala na ngang nakapigil pa at nakuha ng Pilipinas ang titulong “Selfie Capital Of The World” by Time Magazine. Ngayong taon ay nakuha pa rin ng bansa ang korona— “Most Social Nation” in the world ito ay batay sa social media activity ng mga gumagamit ng Internet, at iniulat ng Software Opera Mini. Sa kanilang State of the Mobile Web Report, sinabi ng browser software na ang Internet users sa Pilipinas ang may pinakamataas na bilang ng social media activity worldwide.
Well, natural na sa mga Filipino ang makipag-usap sa kanilang pamilya at makibalita kung ano na ang mga nagaganap na pangyayari sa kanila, lalo na ng mga OFWs. Sa ganitong paraan lamang naiibsan ang kanilang kalungkutan sa ibang bansa. Marami ang nagpapasalamat ngayon dahil sa isang click mo lang sa mobile ay kaagad mo ng makakausap ang ‘yong mga mahal sa buhay. Salamat sa Internet, malayo man o malapit ang distansiya ay napaglalapit mo.
Subalit sa bawat pag-angat ng teknolohiya ay may kakambal din itong panganib sa kalusugan ng tao, panganib sa kalusugan at panganib sa pag-iisip. Hindi kaila sa lahat ang radiation na dulot ng cellular phone sa ating katawan. Marami sa kabataan
ang nahuhumaling sa social media at hindi nakapagtataka na sa paggising pa lang nila sa umaga ang hanap agad ay cellphone, sa halip na unahin ang pag-aalmusal ay mas inuuna muna nila ang social media. Wala na rin silang focus sa mga gawain maging sa kanilang pag-aaral. Hindi mo na rin sila makakausap dahil mas gusto pa nilang makipag-facebook kaysa makipagkuwentuhan. At hindi lang mga kabataan ang nahuhumaling sa social media, dahil simula sa bata hanggang sa matatanda sa loob ng bahay ay gumagamit nito. Kahit na magkakaharap sila sa sala ay madalang na silang mag-usap dahil busy ang lahat sa kapipindot ng kanilang cellphone. Maging sa harap ng hapagkainan ay nagsi-cellphone pa rin, bago sumubo ng pagkain ay pipindot muna. Karaniwan na ang ganitong tanawin sa loob at labas ng bahay. Magkakaharap at nag-uusap pero mayroon pang mas maraming ibang kausap sa social media, kaya
hindi talaga nakakapagtaka kung bakit hawak parati ng Pilipinas ang pangunguna sa social media. Likas nga tayong mga tsismosa at tsismoso kaya patuloy na tumataas ang bilang ng smartphone user sa Pilipinas.
Walang duda na ang mabilis na pagdami ng smartphone ang nagpawasak ng hadlang patungo sa online interactions and social network usage. Ang smartphone adoption rate ay umangat mula sa 41% in June 2014 to 55% in June 2015 sa bansa.
Ipinalalagay na ang pagtaas ng bilang ng social media activity sa bansa ay dahil sa popularidad ng smartphones. Sinasabing ang kalahati ng mga Filipinong gumagamit ng Web ay gamit ang kanilang smartphones sa Internet surfing.
Dahil nga sa hindi mapigilang adoption of smartphones, ginugugol ng mga tao ang marami nilang oras para makapasok sa Web gamit ang kanilang mobile devices. Ang hilira ng browser software ang
Facebook, Google and YouTube. Samantalang ang top three most visited sites sa Pilipinas ay Wikipedia, Yahoo, Twitter, at Tumblr and WordPress also cracked the top 10.
Ang Opera Software ay mayroong servers processed 24,575 TB of data and served over 160 billion pages ngayong June 2015 pa lang, ito ay ginamit ng higit na 250 million katao para sa kanilang mobile data usage. Dahil dito, ang Pilipinas ay naging second largest Opera Mini user batay sa Southeast Asia, na may 86% ng page views mula sa Opera Mini mobile browser patungo sa social networking sites. Ang Facebook ang nangingibabaw na bisitahin, ang iba pang sites na madalas bisitahin ay ang Twitter, WordPress, Tumblr, Pinterest, and Flirchi.
Pahayag pa ni Eiko H. Raquel—Manager for the Philippines at Opera Software, “The prevalence of the smartphone is driving internet usage in the Philippines.” KMC
KMC KaBaYaN MIGRaNTS COMMUNITY SEPTEMBER 2015
LITERARY
Dating sikat na singer si Neneth noong dekada ’80, madalas ang booking n’ya sa Japan, at kumita na s’ya ng limpak-limpak na salapi maging ang kanyang promotion. Dahil sa kasikatan ay naging mayabang si Neneth, wala s’yang pakialam sa mga kasama n’yang kapuwa n’ya Pilipinang nagtatrabaho rin sa umise. Sa totoo lang, naiinis s’ya sa ilang grupo ng Pinay na nagdadasal pa sa lamesa kaharap ang mga alak bago magsimula ang show. “Hoy! Kayo ha, napaka-plastic n’yo, pupunta-punta kayo rito sa Japan at magdadasal pa kayo. Umuwi na lang kayo ng Pilipinas kung gusto n’yong mag-Madre. Ang aarte n’yo! Ang asikasuhin n’yo ay kung paano kayo makakakuha ng tip hindi ‘yang kung anu-anong ginagawa n’yong seremonyas!” Walang kaibigan si Neneth, mabaho pa raw sa hininga ng Hapon ang ugali niya.
Mabilis tumakbo ang panahon at hindi ito namamalayan ni Neneth, sampung taon na pala s’yang singer, pero bakit parang walang nagbago sa buhay n’ya? Nakapagpatayo nga s’ya ng magarang bahay sa Bicol, naibili niya ng jeep ang Tatay n’ya, dalawang tricycle ang ipinamamasada ng dalawa n’yang kapatid na lalaki sa kanilang bayan at may maliit na tindahan na rin ang kanyang Nanay. Maging
ang bunso n’yang kapatid na babae ay ipinagpatayo n’ya ng isang karaoke bar dahil ayaw na n’yang tapusin ang kanyang pag-aaral. Pero bakit parang kulang at kulang pa rin ang kanyang kinikita? Panay pa rin ang hingi sa kanya ng kanyang pamilya.
Unti-unti nang naramdaman ni Neneth na hindi na s’ya ganoon kagaling kumanta, marami na ang nagsulputang mga mas bata at mahuhusay kumanta at sumayaw. Hanggang sa naging madalang na ang kanyang booking dahil inaayawan na s’ya ng mga promotion, may edad na raw s’ya, kung makabiyahe man s’ya ay binabarat na ang presyo at kadalasan ay hindi na rin nagbibigay ng tip ang mga guest. Minsan ay narinig n’ya na nagbubulungan ang mga kasamahan n’yang mga batang grupo, “Bakit ba ipinagpipilitan pa n’ya ang kanyang sariling pinakahuli sa show, eh, laos naman na s’ya? Ayaw na s’yang pakinggan ng mga kustomer kasi naman obasan na nagmamagaling pa, pweh!” Naalala ni Neneth ang mga ginawa n’ya dati, “Masakit, napakasakit pala na laitin ka ng
kapuwa mo lalo na kung Kababayan mo pa.” Pumasok na lang s’ya sa loob ng dressing room at doon n’ya hinayaang umagos ang tubig na kanina pa nag-uunahang umagos mula sa kanyang mga mata.
Hindi akalain ni Neneth na huling biyahe na pala n’ya ‘yon sa Japan, nagkasakit s’ya ng malubha. Sakit na wala ng lunas, marahil ay nakuha n’ya mula sa kanyang mga kalikutan sa mga lalaki. Huli na ang lahat, wala na s’yang magagawa, ilang doktor na ang tumingin sa kanya subalit pare-pareho lang ang kanilang mga sinasabi na HIV positive s’ya. Gumuho na ang mundo ni Neneth, muli n’yang pinakawalan ang tubig sa kanyang mga mata at ngayon ay ayaw na nitong huminto. “Kasalanan ko ang lahat, kung laos na ako at walang perang naipon para man lang sa sarili ay pagkakamali. Naging waldas ako, inisip na parang walang katapusan ang nakuha kong tagumpay. Pero lahat pala ay may katapusan, sayang at
Karaoke
Queen
‘di ko pinahalagahan ang bawat sentimong kinikita ko.” H i n d i n’ya alam na n a k a t u l o g na s’ya sa karaoke bar ng kapatid. Ginising s’ya ng kanyang Nanay, “Neneth anak, ‘wag kang malumbay, nandito kami ng Tatay mo at ng mga kapatid mo, hindi ka namin iiwan. Aalalayan ka namin, hindi hihinto ang mundo mo, hahanap tayo ng lunas para sa sakit. Para sa amin ikaw pa rin ang Karaoke Qeen, matapang at hindi kaagad-agad sumusuko.” Luhaan man pero nakangiting sinabi ni Neneth sa kanyang pamilya, “Salamat Inay, kayo nalang ang pinanggagalingan ng lakas ko. Salamat at may pamilya pa akong tulad n’yo, salamat sa pagmamahal.” Unti-unti nang lumuwag ang pagkakayakap ni Neneth sa kanyang Ina, lumaylay na ang kanyang mga kamay at tuluyan nang pinakawalan ang mikropono. Namaalam na ang Karaoke Queen! KMC
Ni: Alexis Soriano
KMC KaBaYaN MIGRaNTS COMMUNITY SEPTEMBER 2015
10
Digmaang Pandaigdig sa University of the Philippines (UP).
Ayon kay Jose, hindi sapat na aksiyon at programa ng gobyerno ng Hapon at Pilipinas ang dahilan kung bakit kulang ang kaalaman sa bahaging ito ng kasaysayan kahit na nga may magandang relasyon na ang dalawang bansa sa ngayon.
Ngunit sa kabila nito, binanggit ni Jose ang NHK documentary ng Battle of Paggunita...
Ni: Maria Sheila F. Escandor Pitumpong-taon na ang nakakaraan mula ng sumuko ang mga sundalong Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig at karamihan sa mga Hapon, maging mga Pilipino, ang mistulang nakalimot na o kaya ay hindi na alam ang pangyayaring ito.
Daang libong Pilipino pati na ang ibang mga lahi na nasa Pilipinas noon, kabilang na ang Amerikano, Ruso, Pranses, Australyano, Lebanese, Tsino, Aleman at Espanyol, ang minaltrato, pinahirapan, pinagsamantalahan, pinugutan, ginutom, sinunog ng buhay, binayoneta, pinagbabaril at nilunod hanggang sa mamatay ng mga sundalong Hapon.
Karamihan sa kanila ay pinatay sa Manila, ang pangalawa sa pinakanawasak na kaalyadong lungsod kasunod ng Warsaw.
Sa kabila ng kahirapan at kapighatiang idinulot ng digmaan, ang kaalaman ng mga Hapon at Pilipino sa parte na ito ng kasaysayan ay hindi na balanse. Ito ang pahayag ni Ricardo Jose, History Professor na nakapokus sa ikalawang
stORy
FEATURE
BAGONG LABAN: PAGPAPANATILI NG MGA ARAL
NOONG PEBRERO, 1945
(Ikapitong bahagi)
Professor Ricardo Jose during interview with Daily Manila Shimbun last December 19, 2014 at Faculty building UP Diliman.
Manila, dalawa o tatlong taon na ng nakararaan, na nagbigay kaalaman sa mga Hapong walang alam sa mga nangyari.
“The value of that, aside from
getting the Japanese to talk, is the fact that it was released to the Japanese public that it had happened and most of them didn’t know that it happened,” aniya.
Idiniin din ni Jose ang kahalagahan ng paghahatid
ng kaalaman sa mga bagong henerasyon o kabataang Hapon kung saan ay dapat malaman nila kung ano ang nangyari. Ito ay upang maging sensitibo sila sa kung ano ang talagang naramdaman at nararamdaman ng mga Pilipino dahil may mga nakaligtas pa na hanggang ngayon ay buhay pa rin at mga kamag-anak nila o ang mga nakasaksi sa kalupitan noon ng mga sundalong Hapon.
Sinabi rin niya na kahit ang mga Pilipino, na mismong nakaranas ng kalupitang ito ay may kaunti lang na alaala o ‘di naman kaya ay wala na.
“To me, it’s not to build up hate, but it’s more on understanding what had happened, why did it happen and how shall we prevent this from happening (again),” paliwanag ni Jose.
Dagdag pa niya, maliban sa kakaunting kaalaman sa nangyari, pinabayaan din nilang tawagin na “Prisoners Of War” lang ang mga suspek sa digmaan kung saan ang dapat
sanang itawag sa kanila ay “War Crime Suspects” dahil sila ay nilitis, hinatulan at ikinulong.
Isa rin sa mga hindi nabigyang pansin ng gobyerno ayon kay Jose ay ang pagbibigay importansiya sa nangyari sa Maynila dahil
wala man lang itong national ceremony upang igunita ang mga ganitong pangyayari, hindi katulad ng Araw ng Kagitingan, Veteran’s Week at Death March.
Sinabi rin niya na may mga pangyayari rin sa Maynila noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang hindi naitala sa Pilipinas, katulad ng sa
Paco at Singalong na ang biktima ay ang mga ordinaryo o mahihirap na mamamayan kumpara sa mga masaker sa De La Salle, St. Paul, San Marcelino at German Club, kung saan ang mga biktima ay pawang mga mayayaman o elitista.
Isa rin sa sinabi niyang walang rekord sa bansa ay ang 25 na Indiano na sinunog ng
buhay sa Sampaloc, Maynila noong Pebrero 1945 at ang pagsunog sa Chinatown.
Isinawalat din niya na dahil sa pagkakapatay ng mga sundalong Hapon sa mga Kastila na kabilang sa mga “Neutral” na bansa o walang kinakampihan ay nagdeklara sila ng digmaan laban sa bansang Hapon noong Abril 1945.
“In Singapore, it has a strong oral history program in the 80’s, focusing on the Japanese occupation. It’s in their archives now, recordings. We never had that,” giit ni Jose.
Ayon pa sa kanya, desperado na ang mga Hapon kaya’t napatay nila ang mga neutral at kaanib na bansa nila dahil ang pakiramdam nila ay napapalibutan na sila ng mga kaaway. N a g p a h a y a g ng pagkadismaya si Jose na may mga kamag-anak ding namatay noong giyera dahil sa posibilidad
na ang mahalagang parteng ito ng kasaysayan ay tuluyan nang mabubura at mababaon sa limot kapag namatay na ang mga nakaligtas at ang mga kakaunting taong nakakaalam sa nangyari, at higit sa lahat, dahil sa kakulangan ng aksiyon ng gobyerno ng Pilipinas.
“The problem is the election is coming and to me, I am almost ready to give up in the national government,” himutok ni Jose. KMC
KMC KaBaYaN MIGRaNTS COMMUNITY SEPTEMBER 2015
12
KMC KaBaYaN MIGRaNTS COMMUNITY12
stORy
FEATURE
Sipag at tiyaga ang susi sa tagumpay, may kawikaan tayo na “Kung may tiyaga, may nilaga.” Ang taong masipag sa paggawa ay malayo ang mararating at umuunlad ang buhay. Maraming mapapala kung tayo ay masipag:
1. Malakas ang katawan at hindi antukin, nababanat ang katawan at mga buto at nagiging malakas ang resistensiya. Nakakaiwas sa sakit at pinagpapawisan ang mga taong galaw ng galaw at gawa ng gawa. Kung parati kang nakahiga at natutulog ay lalo kang manghihina.
2. Nagkakaroon ng tiwala sa sarili at sa ‘yong kakayahan. Nagiging positibo ang pananaw sa buhay at iniisip na ang lahat
Mga Benepisyo Ng Taong Masipag
ng bagay ay kayang gawin basta’t masipag ka lamang. Kung wala kang ginagawa at parati ka lang sa isang sulok ay maaaring maging negatibo ang iniisip mo hanggang sa mawalan ka ng tiwala sa sarili.
3. Hindi nagiging pabigat sa inyong tahanan at sa ‘yong mga magulang. Kung masipag ka sa trabaho ay malaki ang maitutulong mong pinansiyal sa ‘yong magulang.
4. Hindi mo problema ang pera dahil para sa ‘yo magtrabaho ka lang ay madali mong kitain ang pera. Kung tamad ka, wala kang perang maasahan sa araw ng suweldo, ‘di mo rin mababayaran ang ‘yong mga utang sa takdang panahon, mailap ang pera sa mga taong tamad.
5. May disiplina sa sarili at sa paggawa, may kakayahan kang abutin at tapusin ang iniatas sa ‘yong tungkulin. Ang mga taong walang disiplina ay ang mga taong walang magawa, walang pakialam sa kanyang responsibilidad sa trabaho.
6. Nababawasan ang stress at nakakaiwas sa depresyon dahil nagiging abala ka sa ‘yong gawain. Kung wala kang ginagawa mas may puwang sa ‘yo ang sobrang pag-iisip na magdudulot ng ‘yong pagkabagot sa buhay.
7. Wala kang oras sa mga tsismis, nakakaiwas ka rin sa mga bisyo tulad ng sugal at pag-inom ng alak. Kung parati kang abala sa mga gawain ay wala kang panahon para makinig sa mga taong walang ginagawa kundi manira sa kapuwa tao at parating nasa negative side.
8. Nagiging malikhain at gumagana ang ‘yong imahinasyon. Dito nabubuo ang lakas at bilis ng iyong isipan
dahil kung wala kang ginagawa marami ang patay na oras sa ‘yong buhay at nagiging bobo ka dahil hindi gumagana ang ‘yong isipan.
9. Mapagkakatiwalaan ka ng kapuwa mo at marami rin ang natutuwa sa ‘yo. Madali kang kagiliwan at mahalin ng taong nasa paligid mo. Ang taong tamad ay kinasusuklaman at hindi pinagkakatiwalaan dahil marami s’yang sinasayang na sandali.
10. Lapitin ka ng suwerte dahil nag-i-invite ka ng good vibes. Maaliwalas ang ‘yong sarili at malawak ang ‘yong pananaw sa buhay. Ang taong tamad ay walang hinihintay na biyaya, parating mainitin ang ulo dahil nawawalan na ng pag-asa.
Upang maabot ang ‘yong pangarap kailangan mong maging masipag para sa ‘yong pansariling kapakanan. KMC
limang taon bago siya nagbitiw bilang miyembro ng Gabinete noong Hunyo. Bakit umano hindi siya tumulong kung mistulang pumalpak ang administrasyon?
Namumulitika lang umano si Binay at bago umano niya hanapan nang hanapan ng kasiraan ang pamahalaang Aquino, sagutin muna niya ang mga alegasyong ipinupukol sa kaniya at sa kaniyang pamilya ukol sa umano ay pagbubulsa nila ng bilyung-bilyong pera mula sa umano ay maanumalyang mga kontrata sa Siyudad ng Makati sa ilalim ng kanilang pamamahala.
Sinabi rin ni Pangulong Aquino na mistulang paninisi lamang ang ginagawa ni Binay, samantalang dapat ay maglahad siya ng mga posibleng solusyon sa mga problema ng bansa.
Si Binay ay tatakbong Pangulo ng bansa sa darating na halalan sa ilalim ng partidong United Nationalist Alliance o UNA. KMC
stORy
MAIN
Inilahad ni Pangulong Benigno Aquino III ang kaniyang ika-6 at huling State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo 27, 2015, Lunes, sa pagbubukas ng huling sesyon ng ika-16 na Kongreso.
Maliban sa mga dumalo sa Mababang Kapulungan ng Kongreso kung saan idinaos ang talumpati, marami ring mga Pilipino ang nag-abang sa kanilang mga radyo at telebisyon para mapakinggan ang inabot sa mahigit na dalawang oras na SONA.
Ibinida ng Pangulo kung saan nagsimula ang kaniyang administrasyon at kung ano ang mga natamo nito sa nakalipas na limang taon.
Muli niyang ipinaalala ang umano ay talamak sa katiwalian na pamahalaan na iniwan ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at ang lumulubog na bansa. Sa pag-upo niya noong Hunyo 2010, pinilit umano ng kaniyang administrasyon na ibangon ang bansa sa ilalim ng “Tuwid na Daan.” Kinasuhan, ipinatanggal sa puwesto at ikinulong ang mga umano ay tiwali. Muling lumago ang ekonomiya, bumaba ang kahirapan, pumasok ang mga mamumuhunan sa bansa, at dumami ang trabaho sa ilalim umano ng kaniyang administrasyon.
Ang dati umanong “Sick Man
of Asia,” ngayon ay tinatawag ng “Asia’s Rising Tiger,” “Asia’s Rising Star,” at “Asia’s Bright Spot,” pagmamalaki ng Pangulong Aquino.
Marami rin umanong batas na deka-dekada nang nakabinbin sa Kongreso ang naipasa sa ilalim ng kaniyang administrasyon.
Nanawagan siya sa taong-bayan na kung nais nilang ipagpatuloy pa ang magandang nasimulan, suportahan umano nila ang mga kandidato ng administrasyon sa darating na eleksiyon sa 2016.
“Referendum” umano ng “Tuwid na Daan” ang darating na halalan.
Ngunit tulad ng inaasahan, hindi lahat ng mga Pilipino ay natuwa sa iniulat ng Pangulo sa kaniyang SONA.
Mayroong nakulangan at mayroon ding buung-buo na tinuligsa ang Pangulo dahil hindi raw totoo ang mga sinabi niya sa SONA.
Kabilang sa mga tumuligsa ay ang mga miyembro ng militanteng grupo at mga hindi kaalyado sa pulitika.
Ang Pangalawang Pangulong si Jejomar Binay ang
isa sa mga tumuligsa sa SONA ng Pangulo at nagsagawa rin ng sariling talumpati na tinawag niyang “True State of the Nation Address o TSONA.”
Ginawa niya ang TSONA sa Cavite State University isang linggo matapos ang SONA ng Pangulo.
Binakbakan niya ang umano ay mga kapalpakan ng administrasyong Aquino.
“Napakadaling mamulot ng numero, mga numerong sa unang tingin ay makislap at kagiliw-giliw. Ngunit hindi kayang pagtakpan ang umaalingasaw na katotohan na pilit itinatago at ipinagkakaila: pagkaraan ng limang taon, marami pa rin ang naghihirap, nagugutom at walang trabaho,” saad ni Binay.
“Pagkaraan ng limang taon, ang isinukli sa pagsisikap ng mamamayang Pilipino ay manhid at palpak na pamamahala.”
Ginamit pa ni Binay bilang background sa kaniyang pagtatalumpati ang mural ng mga napatay na miyembro ng Special Action Force o SAF 44.
Banat naman ng mga tagapagsalita ni Pangulong Aquino kay Binay, naging bahagi rin siya ng administrasyon sa loob ng
SONA Kontra
TSONA
KMC KaBaYaN MIGRaNTS COMMUNITY SEPTEMBER 2015
14
Ni: Celerina del Mundo-Monte Hindi pa man panahon ng eleksiyon, damang-dama na sa Pilipinas ang init ng mga usapin ukol dito.
Hindi bababa sa dalawa ang hayagang nagsabi na tatakbo sila sa pagka-Pangulo ng bansa sa darating na halalan sa Mayo 2016.
Halos kakasimula pa lamang ng taon, nauna nang nagsabi si Pangalawang Pangulong Jejomar Binay ukol sa plano niyang pagtakbo sa halalan.
Noong Hunyo sa pagbibitiw niya sa Gabinete ni Pangulong Benigno Aquino III, idineklara niyang siya ang mamumuno sa partido ng oposisyon, ang United Nationalist Alliance.
Panay na rin ang pag-iikot niya sa iba’t-ibang bahagi ng bansa na bagama’t sinasabing bahagi ng kaniyang trabaho, ay mistula namang pangangampanya na.
Sa mga talumpati niya ay nangangako siyang iaahon ang buhay ng mga Pilipino mula sa kahirapan, tipikal na pangako ng isang pulitiko.
Noon namang Hulyo 31, matapos ang umano ay mga konsultasyon, pormal na iniendorso ni Pangulong Aquino si Kalihim Manuel
“Mar” Roxas II bilang kandidato ng administrasyon sa pagka-Pangulo.
Ayon sa Pangulo, sigurado siyang itutuloy ni Roxas ang mga nasimulan na ng kaniyang administrasyon, ang “Daang Matuwid.”
Hindi umano siya nangangamba na ang mga pinagpaguran na maabot ng kaniyang administrasyon ay hindi mapupunta sa wala kung si Roxas ang susunod na maging Pangulo ng bansa.
Si Roxas ay miyembro ng partido ng Pangulo, ang Liberal Party.
Tatlong araw matapos na pormal na inendorso siya ni Pangulong Aquino, nagsumite ng liham ng pagbibitiw bilang DILG Secretary si Roxas, subalit hindi ito tinanggap ng Pangulo. Nais umano muna niyang tapusin ni Roxas ang ilang mahahalagang programa sa kaniyang tanggapan bago niya isulit sa iba ang posisyon.
Tinuligsa naman ng mga kritiko ng administrasyon at ni Roxas ang hindi pa pagbibitiw nito sa puwesto. Baka umano magamit niya ang pondo ng pamahalaan sa kaniyang ambisyon na maging Pangulo. Agad naman itong pinabulaanan ng mga kaalyado ni Roxas at sinabing
hindi ganoon ang ugali ng Kalihim. Maliwanag din umano kung saan napupunta ang pondo ng pamahalaan.
Samantala, maliban kay Binay at Roxas, ang ilan pa sa maaaring tumakbo sa pagka-Pangulo ay sina Senadora Grace Poe na nangunguna sa mga survey at nakaungos na kay Binay, at ang Mayor ng Davao City na si Rodrigo Duterte.
Si Poe ay nililigawan ni Roxas na maging Pangalawang Pangulo niya sa darating na halalan. Habang sinusulat ang artikulo, hindi pa tiyak kung tatakbo ba si Poe bilang Pangulo o papayag sa alok ni Roxas. Maaari rin namang hindi na siya tumakbo sa anumang posisyon sa darating na eleksiyon dahil hanggang 2019 pa ang kaniyang termino bilang senador. Kung sakaling tumakbo siya at matalo sa mas mataas na posisyon sa darating na halalan, mananatili siyang Senador.
Si Duterte na kasama rin sa unang lima na napapasama sa mga survey ay nauna nang nagsabi na hindi siya tatakbo sa pagka-Pangulo. Subalit wala pa ring ganap na maniwala sa kaniyang sinasabi sapagkat mistulang may mga nagsusulong pa rin sa kaniya na tumakbo sa
pagka-Pangulo.
Hindi pa naman tiyak kung sino ang magiging Pangalawang Pangulo ni Binay dahil ang mga nauna nang inilabas na mga pangalan ay pawang mga tumanggi na maging kapareha niya sa eleksiyon.
Kung sakaling tanggihan naman ni Poe ang alok ni Roxas na tumakbo bilang kaniyang Pangalawang Pangulo, hindi pa rin tiyak kung sino ang kaniyang magiging running mate.
Sa Oktubre ganap na malalaman kung sinu-sino nga ba ang mga tatakbo sa pagka-Pangulo at Pangalawang Pangulo at maging sa iba pang posisyon, sa nasyonal man o lokal, dahil sa panahong ito ang pagsusumite ng Certificates of Candidacy ng mga kakandidato sa darating na halalan.
Inaasahan na habang papalapit nang papalapit ang eleksiyon, lalo pang titindi ang mga usapin sa pulitika at maging ang mga bangayan na may kinalaman dito.
Sana lamang ay hindi malimutan ng mga pinuno ng bansa na maging pangunahin pa rin sa kanilang agenda ay ang pagsusulong para sa kapakanan ng taong-bayan.
KMC
stORy
FEATURE
PIGILAN ANG
PIGILAN ANG
GALIT
GALIT
Ang galit ay isang negative emotion namaaaring maging sanhi ng napakalaking pinsala kapag napabayaang hindi mapigil, subalit kapag ito ay ginamit sa tamang paraan katulad ng pagdidisiplina o paghuhubog ng karakter ng bata o ng isang tao ay makakatulong ito sa ating lipunan.
Marami ang pinagmumulan ng galit na ang resulta ay maaaring maging masama o mabuti. Ang matinding galit sa kabuuan ay madalas na nakasasama. Ang galit ay makakatulong kapag ginamit sa paghubog ng ugali at dangal. Maraming tao ang nakakaramdam ng matinding galit na hindi na nila mapigilan. Iniisip nila na ang lahat ng kanilang mga pangarap at pagsisikap para sa kinabusakan ay nawawala na. Ano ba ang pinanggagalingan ng galit o emotional outbursts?
1. Ang stress ay maaaring pagmulan ng galit. Kung sobrang dami ng ginagawa at punung-puno ng activities ang schedule mo, ang resulta ay nagkakaroon ng tensiyon, parang kuwerdas ng gitara na sobrang banat na banat na hanggang sa maputol. Nakaka-stress kung hindi mo maiiwasan ang sobrang activities. Kailangan mo ang pahinga, dahil kapag ‘di nagpahinga ay bibigay rin a n g k atawan mo. Para m a w a l a ang pressure at hindi ka magalit ay isaayos mong mauna ang ‘yong s a r i l i . Magplano para m a i w a s a n ang makapagpagalit sa ‘yo dahil ito ay nakakapinsala.
2. Ang pagkadismaya ay pinagmumulan din ng galit. Ito ‘yong kapag hindi nangyari ang mga bagay na inasam-asam tulad sa marriage life, sa mga grado sa eskuwelahan o sa trabaho na hindi ka na-promote sa puwesto. Bigla ka na lang magdududa sa mga kasama na baka magkaroon ka ng problema sa kanila, madidismaya ka at magagalit sa kanila. Kapag nararamdaman mong umuusok ka na sa sobrang galit, pigilan at tanungin mo ang
‘yong sarili, “Tama ba na pagbuhusan ko ito ng pansin at magalit ako sa kanya? Sa ganitong sitwasyon ay kailangan mong tanungin ang ‘yong sarili, “Karapat-dapat ba akong magalit? Anong mapapala ko?” Sa sobrang galit mo at hindi kinaya ang taas ng pressure sa ‘yong sarili ay maaari kang mapahamak at aatakihin ka sa puso. Marami sa atin ang hindi mapigilan ang bugso ng damdamin, nakakalimutan na mag-isip muna at balansehin ang mga pangyayari bago magalit. Dapat d i n nating
isaalang-alang ang
m a g i g i n g epekto nito sa atin at sa ibang tao o sa maaaring mangyari. Maaaring sa bandang huli ay makikita mo na useless pala na magalit ka. Ilagay ang lahat sa tamang pananaw o pag-unawa.
3. Kapag hinamak o dinusta ang pagkatao mo, maiinsulto ka at magagalit ka. Ang hindi patas na pagtrato ng iba ay magiging dahilan kung bakit nawawalan ka ng kontrol sa sarili. Pag-aralan mo kung paano mo mapipigilan ang ‘yong galit, maaaring magsisi sa bandang huli kung hindi mo madidisiplina ang ‘yong damdamin.
4. Kapag nilabag ang mga karapatan mo,
dito mag-uumpisa ka ng magalit. Maging sa asawa ay mayroon din namang inaasahan sa bawat isa, kapag hindi ito nangyari o nalabag ang karapatan ng isa at hindi ito naibalik ay nagkakaraoon ng pagkainis, nagbubunga ng galit at magsisimula na kayong magtalo. Oo nga at maaaring mapanalunan mo ang pagtatalo ninyong mag-asawa subalit sa bandang huli ay mawawalan ka naman ng isang asawa na s’ya lang ang
nakakaunawa sa ‘yo. Kapag tayo ay minaliit ng ibang tao, hindi natin ito basta-b a s t a n g tatanggapin at hindi hindi rin n a t i n h a h a y a a n g tapak-tapakan na lamang at ipaglalaban natin ang ating karapatan. Magagalit tayo, magiging bayolente at maaaring sa pagwawala ay mauwi sa pagpatay. Sino ngayon
ang higit na apektado?
Sa sobrang pagka-conscious ngayon ng tao sa ipinaglalaban nilang
karapatan, ang pakiramdam nila ay tama sila na ipaglaban ito kahit hindi. Pakawalan mo ang ‘yong galit sa ‘yong puso sa ganitong paraan:
Pagbawalan mo ang ‘yong sarili na magalit. Sugpuin o pahintuin ang ‘yong galit. Pakawalan mo ang ‘yong galit sa maayos na paraan.
Ayon sa mga dalubhasa, ang hindi mapigilang galit ay nagdudulot ng problema sa kalusugan, maaaring dapuan ka mula sa arthritis at hanggang sa hika, at mula sa sakit sa pag-ihi hanggang sa mauwi ito sa sipon. Ang mga babae na hindi mailabas ang kanilang galit ay maaaring magkaroon ng kanser. Kapag hindi napakawalan sa maayos na paraan ang galit, madali itong tumalab sa ating katawan na nagdudulot ng pagtaas ng blood pressure at atake sa puso.
Matuto tayong makinig muna, maghinay-hinay sa paghahatol, at huwag magdesisyon kapag tayo ay galit dahil kapag galit ay wala sa tamang pag-iisip. KMC
stORy
KMC KaBaYaN MIGRaNTS COMMUNITY SEPTEMBER 2015
16
FEATURE
stORy
MAGING POSITIBO
KMC KaBaYaN MIGRaNTS COMMUNITY SEPTEMBER 2015
16
Madalas na i n i h a h a l i n t u l a d ta-yong mga Pili-pino sa kawayan sa mara-ming kadahilanan. Na-kakayanan daw nating yumuko at sabayan ang ihip ng malakas na hangin kahit anong unos pa ang dumaan ay nakakayanan pa rin nating tu-mayo. Tulad na lamang nang dumaan ang Su-per Typhoon Yolanda, bagyong Ondoy at iba pa. Matapos ang delubyo ay nanati-ling nakatayo ang mga naiwan dahil sa malalim na pananam-palataya sa Diyos at pagiging positibo ng mga naulila.
Think positive! Pero ‘di maiiwasan ang pagi-ging negatibo at kawalan ng pag-asa kapag naka-ranas ka ng sobrang hirap at halos lugmok ka na sa hirap. Kadalasan mong maririnig sa mga Pinoy ang salitang “Bahala na si Batman.” Ito ‘yong sitwasyong gipit na gipit ka na at walang kasiguruhan sa buhay kaya masasabi mo na lang na “Bahala na.” Ibig sa-bihin nito ay handa ka ng suungin ang panganib ng buong tapang. ayon sa ilang scholars ay fatalistic daw ang ugaling ito ng Pinoy, parang sinasabi mong “Bahala na ang
tadhana, Que Sera, Sera or whatever will be, will be.” Ipinapakita raw nito ang kawalan ng pag-asa, suko na, wala ng magagawa. Nagiging negatibo na bunsod ng kawalan ng pag-asa.
Subalit lumabas sa mga huling pagsusuri na ang ibig sabihin talaga ng “Bahala na” kapag Pili-pino ang nagsabi nito, ang “Bahala” ay galing sa salitang Tagalog na “Bathala - Diyos” na lumikha ng lahat. Kapag namutawi sa labi mo “Ikaw na po ang bahala,” sa Kanya mo na ibinibigay ay ‘yong tiwala. Mula sa negatibong salita ay dito ka huhu-got ng lakas ng loob sa malalim mong paniniwala at pananampalataya.
Magiging positibo ang isang tao kung ma-taas ang tingin mo sa ‘yong sarili at hindi ito kay-abangan. Iba ang hambog o nagyayabang kaysa sa pagkakaroon ng mataas ang tingin o respeto sa sarili, healthy self-esteem. Mahalin mo ang ‘yong sarili, para maging matatag ka isipin mo na may kakayanan ka. Maaaring maging negatibo ka kung may nagsabi sa ‘yo na hindi ka magaling at pinaniwalaan mo naman ito. Para maging pos-itive ka kailangang ‘wag makinig sa kanila, higit mong paniwalaan ang ‘yong sariling kakayanan.
Matuto ka ring makisama sa maraming tao at palawakin pa ang pakikipagkaibigan. Huwag kang maging “Emo” (Emotional) na parating wala kang kausap at nasa isang sulok lang na nag-iisa. alisin ang stress sa buhay mo, maging ma-saya ka.
Huwag mong ikumpara ang ‘yong sarili sa ibang tao, marami tayong pagkakaiba. Huwag kang mainggit kung ano ang meron sila at wala ka, magkaroon ka ng sarili mong kasiyahan. Kung mas maganda sila at maputi, matangos ang ilong ay nasa lahi nila ‘yon. Think Positive. Iba tayo, iba ang lahi ng Pinoy at ipagmalaki mo ito na kakaiba ka sa kanila. Huwag ka rin namang maging mayabang dahil ang tingin mo sa iba ay mas nakakalamang ka. Ipagpasalamat mo kung ano ang mayroon ka at maging humble palagi.
ang kasalanan ay isa rin sa nakapagpaba-ba ng tingin natin sa ating sarili dahil sa mga mali o kalukuhan nating ginawa sa iba. Kakabit ng kasalanan ang kahihiyan, wala kang maiiharap na mukha sa ibang tao at nanliliit ka sa harap nila. Kaya kung ayaw mong mangyari ito, huwag kang gumawa ng kasalanan at umiwas ka sa tukso, marami n’yan dito sa mundo.
Maging Positibo, magtiwala sa ‘yong sarili at sa ‘yong kakayanan at ‘wag maniwala sa sabi-sabi dahil mawawalan ka ng bait sa ‘yong sarili. Huwag mong sisihin ang ‘yong magulang dahil naligaw ka ng landas. Tanggapin mo kung ano ka at meron ka. Huwag mong sisihin ang ibang tao sa ‘yong mga desisyon, kung mabigo ka ay tanggapin mong sarili mo ‘yong pasya.
Tandaan, magmahal nang tapat at malalim. Say the word “I love you.” “Think Positive!” KMC
MIGRANTS
counseling
center for
Women
Konsultasyon sa mga problema tungkol sa buhay mag-asawa, sa pamilya, sa bata, sa mga ka-relasyon, sa paghihiwalay o divorce, sa pambubugbog o DV (Domestic Violence), welfare assistance sa Single Mother, at iba pang mga katanungan tungkol sa pamumuhay rito sa Japan. Maaari rin kaming mag-refer ng pansamantalang tirahan para sa mga biktima ng “DV.” Free and Confidential.
Tel: 045-914-7008
http://www.ccwjp.org Lunes hanggang Biyernes Mula
10:00 AM~ 5:00 PM
MGA PROBLEMA AT KONSULTASYON
CORNER
Advice:
Napakahirap magpalaki ng mga teen-agers na mga anak habang nag-aalaga ng biyenan sa bahay. Masakit din sa kalooban na parating ang asawa mo lamang ang nag didisisyon ng lahat at hindi iginagalang ang iyong opin-yon. Tungkol naman sa welfare assistance sa Japan at kung hindi mo ito alam ay patuloy kang naghihirap sa pag-aalaga sa iyong biyenan ay mapanganib para sa iyong kalusugan at damdamin. ang “Burn out” na gaya nito ay naging problemang pang lipunan na din.
Sa Japan para mapangalagaan mabuti (physically at psychologically) ang mga senior citizens ay may welfare assistance silang itinatag. Ito ay hindi lamang para sa mga Japanese kundi pati na din mga foreign nationals na naninirahan dito ay maaring komunsulta. Makabubuting komunsulta ka sa welfare consultation window sa inyong city/ward office. Para sa mga nahihirapan magpaliwa-nag sa Nihonggo at hindi nakikipagtulungan ang asawa, sa ganitong sitwasyon ay hahanap ng interpreter ang
women counselor kaya makabubuting makipag-ugnayan sa kanila. Hindi alam ng iyong asawa ang mga totoong pangyayari kaya mas mainam na direkta kang makipag-usap sa kanila at iparating ang mga tamang imporma-syon. ang iyong nararandaman, araw-araw na kondisyon (physical at psychological) ng iyong biyenan, sitwasyon ng iyong pamilya, tirahan at pagpasok niya sa ospital, patuloy na gamutan at kung saan ospital ay dapat mong ipaalam sa kinauukulan. May mga volunteers na maari nilang ipakilala at umalalay sa iyo na malapit sa inyong tirahan. Maraming dalubhasang staff na in-charge para suportahan ang mga senior citizens at handang tumu-long. Mayroon din silang sistema kung paano masusu-portahan ang iyong pamilya. Kinakailangan lamang na makipag ugnayan ka sa kanila. Huwag mong kayanin mag-isa ang lahat at mangyari kumonsulta ka lamang dito sa amin sa Counseling Center for Women (CCW).
KMC
Question:
Lima ang miyembro ng aking pamilya. ang asawa kong Japanese (52 years old), dalawang anak (lalaki 14 years old, babae 10 years old), biyenan babae (85 years old) at ako naman ay (40 years old). ako ay naging permanent resident (Eijyu) five years ago kaya walang problema sa aking resident status, subalit ako ay may mabigat na suli-ranin tungkol sa aking asawa at biyenan.
Noong isang taon ang aking biyenan ay na stroke. May ate at batang kapatid na lalaki ang aking asawa, gayun-paman dahil siya ang panganay kaya kinuha niya ang aking biyenan upang kami na ang mag-alaga sa kanya. Mula pa noon ang asawa ko ang nagdidisisyon ng lahat at hindi man lamang niya tinatanong ang aking opinyon. Pinaubaya din niya sa akin lahat ang pagpapalaki sa aming mga anak. Tutulong lamang siya ng konti kung talagang may problema sa eskwelahan ang mga bata. ang pag-aalaga sa aking biyenan ay bukal sa aking loob dahil siya ay aking kapamilya. ang kalahati ng kanyang
katawan ay paralisado kaya ang papakain at pag-papaligo sa kanya ay aking gawain. Nitong nakaraan ilan buwan ay nawalan ng pera ang aking biyenan at ako ang pinagbintangan at sinabing [Nawala ang pera sa aking wallet, kinuha mo di ba.] habang ako ay kanyang hina-hampas at sinisigawan. Pagdating galing sa trabaho ng aking asawa ay aking sinabi ang mga nangyari subalit tahimik lamang ang aking biyenan kaya hindi siya nanini-wala. Natatakot din ang mga bata sa lola nila kapag nag-sisigaw kaya lumalayo sila dito. Naging maiinitin din ang aking ulo at laging pagod na pagod, nawalan na din ako ng panahon na pakingan ang aking mga anak. Sinabihan pa ako ng aking asawa na [Lahat ng tungkol sa bahay ay responsibilidad mo.] kaya wala ako mapaghingahan ng aking mga suliranin. ang malamig na tugon ng aking asawa at ang pananakit ng aking biyenan ay napakasakit sa aking damdamin.
KMC KaBaYaN MIGRaNTS COMMUNITY SEPTEMBER 2015
18
Biyahe tayo sa Southern Luzon Island kung saan matatagpuan ang tinatawag na “The World’s Perfect Cone - Mt. Mayon.” Perpekto ang hugis na parang balinsuso, mabilog sa ibaba na paliit ang dulo na parang apa ng sorbetes. Katapat nito sa Japan ang ipinagmamalaki nilang Mt. Fuji.
Bulkang Mayon ang tourist spot sa probinsiya ng Albay, sa Bicol Region, sa Luzon Island. May layong sampung (10) kilometro mula sa Gulf of Albay at matatagpuan sa mga bayan na nasasakupan ng Legaspi City; Daraga, Camalig, Guinobatan, Ligao City, Tabaco City, Malilipot, and Santo Domingo at may taas na 2,462 m (8,077 ft.) above the gulf.
Ang Mayon ang pinakaaktibo sa mga aktibong bulkan sa Pilipinas. Nagkaroon na ito ng mahigit na 49 beses ng pagsabog sa loob ng nakaraang 400 years. Ang taglay nitong hugis ngayon ay dulot ng pyroclastic and lava flows mula sa mga nakaraang pagbuga ng apoy and considered to be the world’s most perfectly formed volcano for its symmetrical cone.
Ang itaas na bahagi ng lupa ng bulkan ay karaniwang matarik at umaabot sa 35 - 40 degrees. Kung nanaising umakyat sa Mt. Mayon ay makipag-ugnayan sa Department of Tourism Office.
Ang pinakamapaminsalang pagputok ng Mayon ay naganap noong taong 1814.
Nawasak ang buong bayan ng Cagsawa sa walang humpay na pagbuga ng apoy, usok, abo at kumukulong putik ng bulkan. Tuluyan nang natabunan ang bayan ng Cagsawa at nalibing ang bayang ito. Tanging ang dulo ng bell tower ng
Cagsawa Church ang naiwan sa ibabaw ng mga bato at putik. Nailibing din ang matataas na punongkahoy, natabunan ang mga ilog, maraming buhay ang nawala, at maraming nawalan ng tirahan at ari-arian. Naitalang umabot ng 2,500 katao ang namatay. Ipinalagay na ito na ang pinakamapanganib na pagputok ng bulkang Mayon sa kasaysayan ng Pilipinas.
Sa kabila ng mapaminsalang apoy at usok na ibinubuga nito at pag-agos ng kumukulong putik ay may naidulot pa rin itong kabutihan tulad ng hot springs. At marami pang magagandang tanawin na maaaring puntahan.
Tiwi Hot Springs National Park (Tiwi, Albay, Luzon)
Ang Tiwi Hot Springs ay highly active thermal area at popular ito sa taglay nitong medicinal waters at paliguan ng mga maysakit. Ang pinakamainit ay ang nasa Naglagbong Lake, ito ang boiling sulfur pool. Sa Tiwi rin matatagpuan ang Mammoth Geothermal Electric Power Plant, which harnesses steam to generate electricity, and a salt making industry.
Cagsawa Ruins: A Memorial for A Tragic Past
Ang dulo ng Bell Tower ang tanging naiwan sa nalibing na bayan ng Cagsawa matapos pumutok ang Mt. Mayon noong 1814 at ito ay nagsisilbing isang memorial for a tragic past.
Hoyop-Hoyopan Caves: The Cave that Whistles
Sa salitang Bikol, hoyop-hoyopan means ihip ng hangin. Dito marahil nakuha sa ihip ng hangin sa bunganga ng kuweba, ang pangalan nitong kuweba. Ito ay matatagpuan sa 15 kms. mula Legaspi City, sa bayan ng Camalig. Franciscan priests had excavated archeological artifacts dating from 50 BC from this cave. Some of the artifacts can be viewed at the nearby Camalig Church while some are located at the National Museum in Manila.
Busay Falls: A Cascading Wonder Ang Busay Falls ay isa sa Top 5 Tourist Spots sa Bicol. Ito ang isa sa pinakamataas na waterfalls sa Pilipinas. Ang linaw ng tubig nito na lumalagaslas patungo sa ibaba ay may taas na 800 ft. into two catch basins. Ang falls ay matatagpuan sa Malilipot,
Albay and it is accessible through a foot trail.
Donsol, Sorsogon
Kung nais namang maligo kasama ang mga higanteng Balyena ay maaaring pumunta sa Donsol, Sorsogon kung saan mayroong Whale watching.
Marami ring ipinagmamalaking produkto
ang Bicol, tulad ng bag na yari
sa Abaca. Ang pinakamasarap na pasalubong ay ang Pili Nuts.
Paano pumunta sa Legaspi City?
Mula sa Maynila ay maaaring sumakay ng mga aircon bus patungong Legaspi City. Mayroong mga daily flights sa mga Domestic Airports from Manila going to Legaspi City. Mayroon ding mga connecting flights from International Flights. KMC
BIYAHE
tayO
WELL
NEss
I
BS (Irritable Bowel Syndrome) or Gastro-Intestinal Disorder na pinakakaraniwan na nakakaapekto ng halos 30 percent sa populasyon sa mundo. Ito ay karaniwang nakakaapekto sa Large Intestine, at ang mga palatandaan nito ay ang pamumulikat, pamamaga, pagkakaroon ng hangin, pagtatae o ‘di kaya ay pagtigas ng dumi. Ang IBS ay kawalang-ayos ng tungkulin kung saan ang nerves at muscles ng Large Intestine (Bowel) ay nagiging extra-sensitive. Ito ay maaaring maging dahilan ng pamumulikat at pagtatae habang kumakain o pagkatapos kumain. Sa pagsasaliksik ay nakitang ang mga babae ang mas higit na nahihirapan sa IBS kung sila ay mayroong menstrual period, lumilikha ito ng pag-uugnay sa pagitan ng IBS at Reproductive Hormones.Bagaman ang IBS ay hindi nagiging sanhi ng anumang pagkasira sa Internal Organs, ito ay nagiging dahilan naman ng malaking kadahilanan ng paghihirap at agam-agam. Ang stress ay isa sa mga dahilan na pinagmumulan ng IBS Symptoms. Ang pagkain, pag-i-ehersisyo, at ang hormones ay maaaring pagmulan
din ng IBS Symptoms. Ang mga milk products, chocolate, caffeine, carbonated drinks, alcohol, at pagkaing may mataas na fat content ay maaaring pagmulan ng sintomas. Kabilang sa mga paraan ng pagbibigay lunas para sa IBS ay ang pagbabago ng karaniwang kinakain ng tao sa araw-araw o diyeta, kaginhawahan ng pagod na isip at medisina.
Heartburn or Gastro Esophageal Reflux Disease (GERD)
Ang iba pang karaniwang sakit sa pantunaw ay ang Heartburn or Gastro Esophageal Reflux Disease (GERD) na ang kahulugan ay Acid Indigestion. Ito ay nangyayari kung ang Lower Esophageal Sphincter (LES) ay hindi nagsara ng maayos at ang laman ng tiyan ay natuyuan ng tubig o bumalik ito sa esophagus. Ito ay lumilikha ng nag-aapoy na pakiramdam sa dibdib o sa lalamunan kung ang asido ay natuyuan ng tubig sa tiyan at nakarating na sa linya ng esophagus. Ang nag-aapoy na pakiramdam na ito ang tinatawag na Heartburn. Ang paminsan-minsang Heartburn ay hindi nangangahulugan na ang isang tao ay may GERD, subalit ang pagkakaroon ng Heartburn ng higit
sa dalawang beses sa isang linggo ay maaaring ipalagay na GERD at maaaring mauwi sa seryosong problema sa kalusugan.
Sinuman ay maaaring magkaroon ng GERD, kabilang ang mga bata at sanggol. Heartburn and acid regurgitation ay ang pinakaraniwang sintomas ng GERD, bagaman ang ibang tao ay maaaring magkaroon ng GERD ng walang Heartburn. Sila ay nakakaranas naman ng sakit sa dibdib, pamamaos sa umaga o problema sa paglunok. Mabahong hininga at tuyong ubo ay maaaring resulta ng GERD.
Ang mga dahilan na maaaring makatulong sa pagkakaroon ng GERD ay ang pag-inom ng alak, sobrang katabaan, pagbubuntis, at ang paninigarilyo. Ang ibang pagkain tulad ng citrus fruits, chocolate, caffeinated drinks, taba at piniritong pagkain, bawang, sibuyas, mint flavorings, maanghang at pagkaing may kamatis ay maaaring makatulong sa pagkakaroon ng GERD. Tulad ng IBS, ang GERD ay tungkol sa pagbabago ng lifestyle, pagbabago ng karaniwang kinakain ng tao sa araw-araw o diyeta at paggamit ng antacids. KMC
KMC KaBaYaN MIGRaNTS COMMUNITY SEPTEMBER 2015
20
the International Day in Catholic sakai
Church Osaka held on July 12, 2015
the Elim Community held an annual Revival Gathering
in stEP Center, toyonaka City, Osaka on July 19, 2015
EVENTS
& HaPPENINGs
saItaMa UtaWIt Regional Qualifying Round in saitama
Philippine Digest Readers Club saitama
1st: C - Rodolfo arellano, 2nd: L - Edralin Herrera, 3rd: R - Makoto Inoue
July 26, 2015
NaGaNO UtaWIt Regional Qualifying Round in Matsumoto
Matsumoto Filipino Catholic Community Nagano
1st: C - Jasmin Vasquez, 2nd: R - Maria Fe Yamaguchi, 3rd: L - Evangeline Kawakami
aug. 16, 2015
Fil-Japan Friendship Day in Nagaoka City, Niigata-ken held on august 15-16, 2015
PINas saya sa NaGOya held on July 19, 2015. Phil-Jap asia tomo No Kai participated
KMC KaBaYaN MIGRaNTS COMMUNITY SEPTEMBER 2015
22
KMC KaBaYaN MIGRaNTS COMMUNITY SEPTEMBER 2015