• 検索結果がありません。

JeNNyLyN MerCADO

ドキュメント内 2 KMC KaBAYAN MIGRANTS COMMUNITY NOVEMBER 2015 (ページ 31-34)

Sobrang tagal na palang walang girlfriend si Sam Milby ngunit hindi ito nangangahulugan na wala na siyang dini-date. Sa ngayon ay bahay-trabaho ang pinagkakaabalahan niya dahil hindi na siya mahilig maglalalabas ng bahay. Ang “The Prenup” ang pinakahuling movie na ginawa ni Sam under Regal Films na unang napanood noong October 14, 2015 kung saan first time nila itong pinagtambalan ni Jennylyn

Mercado.

KMC KaBaYaN MIGRaNTS COMMUNITY NOVEMBER 2015

32

Kandila, Tanglaw sa Dilim Kandila, Tanglaw sa Dilim

Well NEss

Buwan ng Lansones (Lansium domesticum Correa), isa sa mga paborito ng mga Pilipino, isang uri ng manamis-namis na prutas na makikita sa Laguna, Bukidnon, Albay, Quezon, Samar, Oriental Mindoro, Misamis Oriental, at sa ilan pang mga probinsiya sa Mindanao at Visayas. Tinatawag din itong Budhaw, Bukan o Bulahan ng mga Bisaya, Kaubungan ng mga Manobo, Tubua ng mga Bikolano at Bagko ng mga taga-Bukidnon.

Ang puno ng lansones ay karaniwang may taas na 4-15 metro at ang dahon ay may haba naman na 20-30 sentimetro.

Maraming benepisyo ang makukuha sa lansones, walang tapon sa prutas na ito. Bukod na sa masarap ang laman ng lansones, ito ay maaari rin namang gawing kendi o imbakin upang maging arnibal.

Ang lansones ay hindi lang prutas kundi isa rin itong

halamang gamot: Ang dahon at balat ng kahoy ay maaaring pakuluan upang gawing gamot laban sa disinterya at ang dinikdik na balat ng kahoy ay maaari namang gamitin para pangontra laban sa kagat ng alakdan. Gamot din ang dagta ng balat ng kahoy at ito’y gamot naman para sa kabag, pamamaga at pampahupa ng hilab o pasma. Maging ang buto ay may gamit din, durugin ang buto at ihalo sa tubig at gamitin para sa pampurga at pampababa ng lagnat.

Matapos kumain ay huwag itapon ang balat ng lasones, tuhugin ito ng stick at ibilad sa araw. Ang pinatuyong balat ng lansones, kapag sinunog ay nagbibigay ng mahalimuyak na amoy na nagtataboy sa mga lamok. Maaaring gamitin din ito bilang pampabango sa silid.

Ang isa pang katangian ng lansones ayon sa tala na ang dagta naman ng balat ng kahoy ng lansones ay ginagamit din bilang lason para sa mga palaso.

Benepisyo ng dark chocolate Masarap na panghimagas ang

dark chocolate, at hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay masama ang epekto ng ilang pagkain sa iyong katawan, lalo na ang mga matatamis gaya ng chocolate. Sa totoo lang may ilang benepisyo din ang nakukuha dito.

Nakakapayat – ang tsokolate, kabaliktaran sa pag-aakala ng marami na ito ay nakakataba. Ayon sa pag-aaral ng mga eksperto sa University of California, natuklasan na nakakapagpabilis ng metabolismo ang tsokolate, kaagad na nakalulusaw ito ng mga calories sa katawan na nagiging sanhi ng iyong pagtaba.

Nakakatalino – Mayroon ba kayong examination sa school? Subukan mo ang kumain ng ilang bars ng tsokolate para mas gumana ang iyong IQ? Ang dark chocolate ay mayaman sa chemical na nakakapagbigay alerto sa utak ng tao, ito ay ang

“Flavonoids.” Nagpapabilis ang kemikal na ito ng daloy ng dugo sa ugat na patungo sa utak.

N a k a k a p a g p a l a k a s – Mahusay itong baunin kung ikaw ay namamasyal.

Bakit? Tumutulong kasi ang

“Theobromine” na taglay nito para mas lalo kang lumakas. Ang kemikal na ito ay matatagpuan din sa kape at ilang energy drink.

Maganda rin itong pagkunan ng magnesium at chromium na kilala bilang “Energy Producer.”

Nakakaalis ng kulubot sa mukha/balat – Kung ang mga prutas at gulay ay nagtataglay ng mga antioxidants, gayundin ang chocolate na siyang magbibigay ng makinis na mukha/kutis sa’yo.

KMC

Mga Benepisyong Makukuha Sa Lansones At Tsokolate

feAture stORy

Kandila tuwing Araw ng mga Kaluluwa, tuwing sasapit ang ika-1 ng

Nobyembre, sa pagdilim ng paligid ay nakagawian na magsindi ng kandila.

Ayon sa pamahiin ng mga matatanda ang pagsisindi ng kandila ay pag-alala sa yumao

o pangontra sa mga kaluluwang gala. May

mga pamahiin din na huwag lalabas ng

bahay sa paglubog ng pulang araw.

Isang senyales

daw na kapag lumubog na ang pulang araw ito ang oras ng paggagala ng mga kaluluwang hindi natatahimik. At kapag may kumatok sa labas ng pintuan sa oras na ‘yon at wala naman kayong inaasahang bisita na darating ay huwag pagbubuksan at maaaring ‘yon ang mga kaluluwang gala. At ayon din sa mga matatanda ang mabisang pangontra sa mga kaluluwang gala ay ang pag-aalay ng dasal.

Sa pagsapit ng alas sais ng hapon dapat lahat ng miyembro ng pamilya ay nasa

harapan na ng altar, magsisindi ng kandila at mananalangin sa Diyos para sa katahimikan ng mga kaluluwa ng mga mahal natin sa buhay at para na rin sa purgaturyo.

Ang pagsisindi ng kandila sa ibabaw ng puntod ay tanda ng ating pagmamahal at pag-alala sa kanila. Ang kandila ang magsisilbing tanglaw sa madilim at sabayan natin ng panalangin sa Panginoon na nawa’y patawarin na ang kanilang mga kaluluwa sa mga kasalanang nagawa nila noong sila’y nabubuhay pa. KMC

32

KMC KaBaYaN MIGRaNTS COMMUNITY NOVEMBER 2015

NOVEMBER 2015 KaBaYaN MIGRaNTS COMMUNITY KMC

33

Kandila, Tanglaw sa Dilim

Kandila, Tanglaw sa Dilim

KMC KaBaYaN MIGRaNTS COMMUNITY NOVEMBER 2015

34

KMC KaBaYaN MIGRaNTS COMMUNITY SEPTEMBER 2015

34

LEO (July 21-August 22)

ドキュメント内 2 KMC KaBAYAN MIGRANTS COMMUNITY NOVEMBER 2015 (ページ 31-34)

関連したドキュメント