• 検索結果がありません。

2 KMC KaBAYAN MIGRANTS COMMUNITY january 2014

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2021

シェア "2 KMC KaBAYAN MIGRANTS COMMUNITY january 2014"

Copied!
35
0
0

読み込み中.... (全文を見る)

全文

(1)
(2)
(3)

january 2014 KaBayan MIGranTS COMMunITy KMC

3

Kabayan Migrants Community (KMC) Magazine Philippine Legislators’ Committee on Population and Development (PLCPD) participated the 2008~2011 4th~7th PopDev Media Awards KMC SERVICE Akira Kikuchi Publisher Julie Shimada Manager Tokyo-to,

Minato-ku, Minami Aoyama 3-13-23, Patio Bldg., 6F

Tel No. (03) 5775 0063 Fax No. (03) 5772 2546

Philippine Editorial Daprosa dela Cruz-Paiso

Managing Director/Consultant Czarina Pascual Artist Mobile : 09167319290 Emails : kmc_manila@yahoo.com.ph While the publishers have made every effort to ensure the accuracy of all information in this magazine, they will not be held responsible for any errors or omissions therein. The opinions and views contained in this publication are not necessarily the views of the publishers. Readers are advised to seek specialist advice before acting on information contained in this publication, which is provided for general use and may not be appropriate for the readers’ particular circumstances.

2

10

28

KMC CORNER Kalderetang Baka (Beef Stew) / 4

EDITORIAL Magandang Panimula Ngayong 2014 / 5

FEATURE STORY Mga Tips Para Makapag-relax At Bigyang Laya Ang Sarili / 8 Tradisyon sa Bagong Taon / 14 Hatsumode, 2014 New Year’s Resolution / 15 Ano ang “nanaco” ? / 18-19 Delubyo Sa Pamahalaang Aquino Noong 2013 / 28 VCO For Oldies / 29

READER’S CORNER Dr. Heart / 6

REGULAR STORY Parenting - Tulungang Makisalamuha Ang Ating Anak / 7 Buhay Mommy / 11 Migrants Corner - A Hopeful Tomorrow And More Prosperity 204 / 17

LITERARY Isang Tasang Kape / 10

MAIN STORY Hagupit Ni Yolanda At Tulong Sa Mga Biktima / 12

EVENTS & HAPPENING Fuji Church Filcom, Maebashi Church Filcom, Yatsushiro Filcom, Hirakata Church Filcom, HFA, Anjo-Kariya Christmas Charity Raffle, Kakamigahara Church Community, Inaei Catholic Church, Kagoshima Thanks Giving Charity Event, KMC Kabayan Tulong Donation Drive / 16-17

COLUMN Astroscope / 26 Palaisipan / 27 Pinoy Jokes/ 27 NEWS DIGEST Balitang Japan / 22 NEWS UPDATE Balitang Pinas / 23 Showbiz / 24-25 JAPANESE COLUMN 邦人事件簿 (Houjin Jikenbo) / 32-33 フィリピン・ウォッチ (Philippines Watch) / 34-35

C O N T e N T s

COVER PAGE

Osechi-ryori

E-mails : kmc@creative-k.co.jp

9

13

WASHOKU, a “World Heritage Cuisine” as declared by UNESCO. As we give honor and respect to Washoku Cuisine, KMC magazine will be featuring different Washoku dishes as our Monthly Cover photo for year 2014. With all humility and pride, we would like to showcase to everyone why Japanese cuisine deserved the title and the very reason why it belonged to the very precious “ Intangible Cul-tural Heritage” by UNESCO.

(4)

KMc

COrnEr

Paboritong lutuin tuwing darating ang Bagong Taon. Ang matagal na

pagpapaluto sa mahinang apoy ng karneng baka, at pinasasarap pa ito

ng chorizo, green peas and olives.

Para sa 7 katao. Lutuin sa loob ng 1

oras at 30 minuto o higit pa.

1. Ilagay sa kawali ang olive oil at bahagyang

iprito ang baka hanggang maging kulay brown

ang lahat ng bahagi nito.

2. Isalin ang baka kasama ng olive oil sa

kaserola (mag-iwan ng konting olive oil sa

kawali), ilagay ang sibuyas, isunod ang tubig

at pakuluin, kapag kumulo ay ilagay ang apoy

sa slow heat ng tuluy-tuloy, hayaang patuloy

na kumulo sa loob ng 30 minuto hanggang sa

lumambot ang baka.

3. Habang nagpapalambot ng baka ay iihaw

ang atay sa loob ng 10 minuto, kapag na-half

cooked na ay tadtarin ito ng pino at itabi.

4. Igisa sa natirang olive oil ang chorizo

hanggang sa tumigas sa loob ng 2 minuto at

lumabas ang mantika nito. Alisin sa kawali at

itabi.

5. Igisa sa naiwang mantika sa kawali ang

bawang hanggang magkulay brown, isunod

ang tinadtad na atay, tomato sauce at suka.

Idagdag ang cheese, asukal, asin at paminta.

Haluing mabuti hanggang sa lumapot ang

sabaw.

6. Ilagay ang malapot na sabaw sa pinalalambot

na baka sa kaserola, haluing mabuti. Hayaang

kumulo sa loob ng 30 minuto.

7. Ilagay ang patatas at ang carrots at hayaang

kumulo ito ng mga 30 minuto pa hanggang sa

Mga sangkap:

Paraan ng pagluluto:

Ni: Xandra Di

tuluyang lumapot ang sabaw at humalo

ang lasa ng mga sangkap sa malambot na

karne ng baka.

8. Ilagay na ang chorizo, siling pula, green

peas at olives, pakulin ng 10 minuto. Ihain

kasama ang mainit na kanin.

Happy eating! KMC

1 kg

baka pang-stew, putulin ng pa-chunks

¼ tasa olive oil

1 buo

sibuyas, hiwain

6 tasa

tubig

500 g

atay ng baboy

2 buo

chorizo sausage, hiwain na pa-diagonal

1 ½ ulo bawang, dikdikin ng pino

1 1/3 tasa canned tomato sauce

1/3 tasa suka

1 tasa

ginadgad na cheese

2 kutsara asukal

2 buo

patatas, balatan at hatiin sa apat

2 buo

carrots, balatan at hatiin

1 buo

siling pula (red bell pepper), alisin ang buto at

hiwain pahaba

1 ½ tasa green peas

½ tasa black or green olives, hatiin

asin at paminta

pampalasa

(5)

january 2014 KaBayan MIGranTS COMMunITy KMC

5

editorial

Manigong Bagong Taon sa ating lahat. naging maganda ang resulta ng pagbiyahe ng ating Pangulo ng Pilipinas sa bansang Hapon sa nakaraang aSEan-japan Commemorative Summit. ang mga tulong at pakikisama ng bawat bansa ay nagdudulot ng ibayong lakas at pag-asa sa ating mga OFWs. at sa kabila ng hirap na dinaranas ng ating mga kababayan na naging biktima ng bagyong yolanda ay patuloy pa rin ang takbo ng buhay at umaasang may darating pang umaga.

Labis na ikinatuwa ni Pangulong Benigno S. aquino III nang makatagpo nila ang Filipino Community sa japan dahil sa kanilang pagbubuklod bilang isang komunidad at makiisa sa pakikiramay para sa mga kababayang sinalanta ng super bagyong yolanda. naiparating ng Pangulo sa kanila ang nagawa at patuloy na ginagawa ng pamahalaan

upang maibangon ang ating bansa matapos ang paghagupit ng sunud-sunod na sakuna. ayon sa Pangulo ay nakadeposito na sa nDrrMC ang ayudang nagkakahalagang one million yen, na pinag-ambag-ambagan ng Filipino Community mula sa sarili nilang mga bulsa.

nakipagpulong din ang Pangulo kay Prime Minister Shinzo abe. ramdam niya ang lalim ng pagkakaibigan ng japan sa Pilipinas, napakasinsero ng kanilang

pakikiramay, at ang kanilang matinding kagustuhan na makatulong sa mga tinamaan ng sakuna. Ipinahayag din ng Pangulo ang napakalaking tulong ng japan sa relief and recovery efforts at naipaabot na nila ang mahigit sa halagang 50 milyong dolyar para sa iba’t-ibang anyo ng ayuda. nagpanata rin si Prime Minister abe ng karagdagang 66 million dollars na tulong, upang lalong mapabilis ang pagbangon ng mga pamayanang pansamantalang itinumba ni yolanda. at sa pagbibigay linaw ni President aquino-Halaw sa Pahayag ng

Kagalang-galang Benigno S. aquino III, Pangulo ng Pilipinas sa kanyang pagbalik mula sa aSEan-japan Commemorative Summit noong ika-15 ng Disyembre 2013: “Grant aid ito, at hindi po utang. Dagdag pa po diyan: ang standby loan natin na 100 million dollars mula sa kanyang bansa, pinalaki pa lalo ni Prime Minister abe para maging 500 milyong dolyar. Sa tulong ng japan, World Bank, aDB, at ng marami pang ibang bansa at institusyon, ang tinatayang 130 bilyong piso na kakailanganin para tumugon sa mga komunidad na naapektuhan ni yolanda, ay halos mapupunan na.

Ididiin ko lang po: Sa biyaheng ito, damang-dama talaga natin ang pagiging mabuting kaalyado at kaibigan ng bansang Hapon. noong nakaraan, sa pamamagitan ng kalakal at Official Development assistance, naramdaman natin ang kanilang suporta.

Sa kasalukuyan, kung saan hinaharap pa rin natin ang mga hamong dulot ng sakuna, nariyan sila para iparamdam sa ating hindi tayo nag-iisa. at maging sa paghubog ng magandang kinabukasan, kaagapay pa rin natin sila, nagpapayabong ng ating ekonomiya, at talaga namang nakikitulak sa atin tungo sa kasaganaan.”

Patuloy tayong haharap sa hamon ng buhay ng may ngiti sa labi. Sa mga kababayan natin sa japan, maraming salamat sa inyong pakikiisa. Sabay-sabay nating sigaw, Bangon Pilipinas! KMC

MaGaNdaNG PaNiMUla NGaYoNG 2014

TOKYO, Japan – Philippine President Benigno S. Aquino III greets Japanese Prime Minister Shinzo Abe upon arrival for the Session 1 of the ASEAN – Japan Commemorative Summit at the Hagoromo-no-ma Room, Main Building of the Akasaka State Guest House in 2-1-1 Moto-Akasaka Minato, Tokyo on Saturday (December 14, 2013). Photo Credit: Ryan Lim / Malacañang Photo Bureau

TOKYO, Japan – Philippine President Benigno S. Aquino III confers the Order of Sikatuna with a rank of Datu, Katangiang Ginto (Grand Cross, Gold Distinction) on Advisor to the Minister of Foreign Affairs & Special Advisor to Japan International Cooperation Agency (JICA) President and former JICA President Dr. Sadako Ogata in a ceremony at the Yamabuki Room 1&2, Main Building of the Imperial Hotel on Saturday (December 14, 2013) at the sidelines of the ASEAN – Japan Commemorative Summit. Dr. Ogata was cited for her dedicated leadership of the

JICA, contributing to the overall social and economic development of the PH at the Imperial Hotel in Tokyo. The Order of Sikatuna is the national order of diplomatic merit of the Republic of the Philippines. It is conferred upon individuals who have rendered exceptional and meritorious services to the Republic of the Philippines, upon diplomats, officials and nationals of foreign states who have rendered conspicuous services in fostering, developing and strengthening relations between their country and the Philippines. Photo Credit: Ryan Lim / Malacañang Photo Bureau

COURTESY CALL AND CONFERMENT ON FORMER JICA PRESIDENT

(6)

rt

Ang reader’s korner natin dito sa KMC Magazine, mga suliraning pampuso na bibigyang payo ni Dr. Heart. Maaari kayong lumiham sa: KMC Service, Tokyo-to, Minato-ku, Minami Aoyama 3-13-23, Patio Bldg., 6F, o mag-Email sa:

kmc_manila@yahoo.com

reader’S

CORNER

Dr.

He

Dear Dr. Heart,

Alam nating lahat na mahirap po ang makabawi kaagad dahil sa

nangyaring delubyo sa Visayas dulot ng super typhoon Yolanda noong

November 08, 2013, kung saan lubhang malaki ang naging epekto nito

sa mga naiwang mga kaanak ng mga taga-Tacloban City. Isa rin ako sa

mga libu-libong nawalan ng mga kaanak at kaibigan sa Tacloban City.

Dr. Heart masakit pa rin ang nangyari to our beloved Ms. Carolina L.

Montilla -the Chief-Executive Editor of KMC Magazine.

At first, happy kami nang magkaroon ng balita na ligtas s’ya with

her relatives, isa raw s’ya sa mga survivors, they said. With the help of US

Aircraft C130 ay nakarating sa Manila si Ms. Montilla after the typhoon.

Subalit dala ng trauma na naranasan n’ya sa super typhoon hindi na rin

n’ya nakayanan at tuluyan na rin s’yang nagkasakit ng mga ilang araw

pagkatapos n’yang dumating sa Maynila. She’s a very strong woman,

kahit na she’s in pain she never complain, ‘yan ang character n’ya na I

really admire most. Iisipin muna n’ya ang kapakanan ng ibang tao kaysa

sa sarili n’ya. Marahil ‘yong pain na nararamdaman n’ya ay itinutulog na

lang n’ya kaya parati s’yang tulog that time, hanggang sa na-confine na

rin s’ya sa Asian Hospital sa Alabang, and from there ay hindi na rin s’ya

naka-survive pa.

Marami ang lumuha at nalungkot sa kanyang pagpanaw at isa

na rin ako doon. Dr. Heart I can still feel the pain sa kanyang biglaang

pagpanaw, but I know she’s in heaven. We love her, and she will always

be in our heart. May she Rest In Peace. Happy New Year everyone!

Yours,

Rosa

Dear Dr. Heart,

Wala na po akong nararamdamang pagmamahal sa asawa ko,

ano po ba ang dapat kong gawin, kasi gusto ko na talagang makipag

hiwalay sa kanya. Napipigilan lang po ako ng aking 2 anak at ng

biyenan ko. Sugarol at may babae pa ang asawa ko, halos lahat ng

ipinapadala ko sa kanya ay nilulustay lang n’ya sa sugal. OFW po ako,

singer sa banda, palipat-lipat lang kami ng kinakantahang bansa,

kadalasan ay dito sa Japan kami nagtatagal. Nakalulungkot isipin

na wala na nga s’yang naitutulong ay naku pasaway pa kaysa sa 2

naming anak. Mabait ang biyenan ko at s’ya nag-aalaga sa mga

bata, naaawa rin naman ako sa mga anak namin dahil mga bagets

pa kung mawawalan sila ng ama. Pero sobrang pasaway naman

ng asawa ko, everytime na dumarating ako ay magso-sorry, pero

pagkaalis ko ay balik sa dating gawi na naman. Makapal pa ang

mukha, ipinakilala pa raw sa mga anak namin ang kakuladidang

n’ya noong birthday n’ya last month.

Ano ba ang dapat kong gawin, dapat ba na hiwalayan ko na

s’ya? Siguro naman Dr. Heart, makakayanan na rin naming mag-iina

na walang padre-de-pamilya sa tahanan kung katulad din naman

n’yang walang ginawang mabuti sa pamilya namin. Iniisip ko na

ipaliwanag ito sa mga anako ko pag-uwi ngayong Marso, matatalino

naman ang mga bata baka maunawaan din nila ang lahat.

Naguguluhan din po ako at naaawa sa biyenan ko na nag-iisa na rin

sa buhay, pero kung sasama s’ya sa amin ay mas gugustuhin ko rin

dahil sanay na ang mga anak ko sa lola nila. Sana po ay matulungan

din n’yo ako Dr. Heart.

Umaasa,

Hana

DG.

Dear Hana DG.,

Manigong Bagong Taong ang bati ko sa ‘yo Hana at sa lahat ng

ating readers na patuloy na sumusubaybay at tumatangkilik sa KMC

Magazine sa loob ng maraming taon.

Maganda ang pasok ng 2014, ang Year of the Horse. Malakas

ang kabayo at maliksi, mataas tumalon, at kung ihahambing ito sa

pagpasya sa buhay ay dapat tumalon din tayo ng malakas upang

maabot natin ang gusto nating marating. Noong bata pa ako ay

naitanong ko sa lola namin kung bakit may takip sa magkabilang

mata ang kabayo sa tuwing tumatakbo ito hila ang kalesa. Sagot

ni Lola, marahil daw nilalagyan ito ng takip para hindi s’ya

ma-distract sa kanyang mga nakikita sa paligid, at upang ang tingin

lang n’ya ay naka-focus kung saan s’ya patutungo. Mag-focus ka

na lang kung saan ang tamang daan.

Ang ‘yong problema ay kalimitan nang nangyayari sa buhay

ng ating mga OFWs, magtitiis na lumayo sa pamilya at magtrabaho

sa ibang bansa upang mabigyan ng magandang buhay at maiahon sa

kahirapan ang pamilya. Subali’t ang kanilang absence ay nagdudulot

ng tukso sa bawat isa sa kanila. Kung mahina ka ay kaagad kang

bibigay sa tawag ng tukso. Sa nakikita ko sa ‘yong problema ay

parang hindi mo na kailangan ang payo ko, ang kailangan mo

lang ay confirmation sa gagawin mo dahil nakapagdesisyon ka

na. Magpasya ka ayon sa ikaluluwag ng iyong damdamin, kung

sa palagay mo ay tama ang ‘yong gagawin at mauunawaan naman ng mga bata sa

bandang huli ay makabubuting mag-focus ka na lang sa tamang landas ng ‘yong buhay.

Tulad ng kabayo, malakas at naka-focus sa landas na patutunguhan para sa magandang

bukas. Mabuhay ka!

Yours,

Dr.

Heart

Dear Rosa,

Maraming salamat sa nai-share mo sa amin tungkol kay Ms. Montilla. Ang

bumubuo ng KMC Magazine ay taos-pusong nakikiramay sa pagkawala ng ating

minamahal na Chief-Executive Editor. Time will heal the wound, wika nga.

Gusto kong i-share din sa ‘yo ang phrase na nabasa ko.

Forever In Our Hearts

Fill not your hearts with pain and sorrow,

But remember me in every tomorrow.

Remember the joy, the laughter,

The smiles, I’ve only gone to rest a while.

Although my leaving causes pain and grief,

My going has eased my hurt and given me relief.

So dry your eyes and remember me,

Not as I am now but I used to be.

I will remember you all and look on with a smile,

understand in your hearts,

I’ve only gone to rest a while.

As long as I have the love of each of you,

I can live my life in the hearts of all of you.

Move on Rosa! And have a wonderful and prosperous New Year to you.

Yours,

(7)

january 2014 KaBayan MIGranTS COMMunITy KMC

7

ING

PareNt

Bahagi na ng buhay ang pakikisalamuha o socialization, ito ang mga bagay na hindi natin maiiwasan tulad ngayong Bagong Taon, may mga dinadaluhan tayong parties o fellowship. Sa mga ganitong pagkakaton ay kailangan na nating imulat at sanayin ang mga bata tungkol sa pakikisalamuha. Hindi lahat ng bata ay madaling makisalamuha o makibagay lalo na nga kung nag-iisa lang s’yang anak-the only child. Siya ang tipo ng bata na medyo salat sa kakayahan upang makisalamuha dahil nasanay na s’yang mag-isa lang sa bahay. Mga nanay, kailangan nating maliwanagan at matutunan kung paano natin matutulungan ang ating anak na maunawaan ang mga nangyayari sa lipunang kanyang ginagalawan at kung paano n’ya makakayanan na makisalamuha. Mahalagang maimulat natin sa ating anak na ang social life ay bahagi na ng ating pamumuhay.

Situation 1: Kinakailangan nating lumabas at maturuan sila sa mga dadaluhang pangtitipon tulad halimbawa ng family

reunion o wedding anniversary ng kanyang lolo at lola. Sa ganitong kalagayan, ang anak mo ayaw ng bumitaw sa ‘yong braso at ayaw ng humiwalay sa ‘yo, hindi dahil sa nahihiya s’ya, kundi natakot s’ya at kailangan n’ya ang tulong mo, ano nga ba ang dapat n’yang gawin?

Kailangan ng bata ang higit na pang-unawa kung bakit s’ya nagkaganito sa harap ng maraming tao. Huwag nating isipin na may mali sa kanyang kilos at pagbintangan s’yang may masamang asal.

Halimbawa, “Anak bakit ka ba ganyan? Bitawan mo nga yang braso ko! Huwag ka ngang ganyan…” at kaagad mo s’yang pinagalitan.

Iwasan nating pagalitan s’ya at huwag na huwag natin itong gagawin sa ganitong sitwasyon dahil labis na madaragdagan ang kanyang nararamdamang takot. Karaniwan na sa mga batang hindi sanay lumalabas o ma-expose sa maraming tao ang nagkakaroon ng takot o may nararamdamang kaba sa kanilang puso at labis ang kanyang pag-aalala sa maaaring mangyari. Ang ganyang damdamin ng ating anak ay hindi natin dapat salubungin ng galit dahil lalong titindi ang kanyang takot.

Situation 2: Nasa gitna na kayo ng pagtitipon, napapaligiran na kayo ng

tUlUNGaNG MaKiSalaMUHa aNG atiNG aNaK

maraming tao. Ayaw umalis sa tabi mo ang iyong anak at ayaw pumunta sa gitna ng party, hindi dahil sa ayaw n’ya sa mga bata kundi natatakot s’yang mawala s’ya sa paningin mo at may kakaiba s’yang nararamdaman sa gitna ng maraming tao at ‘di malaman kung ano nga ang dapat n’yang gawin?

Huwag natin siyang pilitin o itulak sa gitna upang makisalamuha, bigyan natin ng suporta ang bata kung paano s’ya magkakaroon ng maayos na pakiramdam sa gitna ng maraming tao. Kung talagang ayaw n’yang umalis sa tabi mo ay ‘wag s’yang pilitin at baka malagay sa kahiya-hiyang sitwasyon.

Halimbawa, “Anak, ano ka ba? Hindi ka ba pupunta sa gitna? Huwag ka ngang pahiya-hiya dyan”… at parang gusto mo na s’yang ipagtulakan sa gitna.

Iwasan nating mangyari ito. Ipadama sa bata na binibigyan mo s’ya ng ekstrang pansin sa kabila ng maraming taong nakapaligid sa kanya. Kapag naramdaman ng bata na nababawasan ang pansin natin sa kanya dahil napakaraming taong nakapaligid, magdudulot ito

ng ibayong takot sa bata. Yakapin s’ya o himasin ang kanyang kamay, bigyan s’ya ng kasiguruhan na nand’yan ka lang sa tabi n’ya. Ibulong mo sa kanya na hindi aalis si Nanay sa tabi n’ya at sasamahan lang s’ya.

Maraming dahilan kung bakit takot o ilag ang bata sa mga bagong lugar kung saan naroon ang mga tao. Kung nasanay ang bata na nagsosolo lang s’ya sa bahay-na si Nabahay-nay at si Tatay lang ang kasama, mahihirapan s’ya kung biglang napunta s’ya sa malaking pagtitipon na higit sa tatlumpung tao ang nasa paligid n’ya. Sa malaking grupo, nagkakaroon s’ya ng pagkabalisa o agam-agam dahil hindi s’ya sanay sa ganito karaming tao at sa bagong situwasyon. Napakahalagang alalayan natin at gabayan ang bata, suportahan at iparamdam sa kanya na tanggap mo s’ya, at kahit na natatakot s’ya ay nand’yan ka sa kanyang tabi upang maging matibay s’ya.

Malaking hamon sa bata kahit na matanda ang pakikisalamuha, iwasan natin na pilitin s’ya sa gusto natin. Matuto tayong maghintay, dahan-dahan lang, masasanay din s’ya sa pakikisalamuha sa maraming tao at magkaroon ng tiwala sa sarili. Ang mahalaga ay maramdaman n’yang mahal natin s’ya at handa tayong umalalay sa kanya. KMC

(8)

stORy

featUre

Nabubugnot

ka na ba at nahihirapan s a paulit-ulit na nangyayari sa buhay, matuto kang mag-relax , panahon na para bigyang laya ang sarili, “Freedom of responsibilities” ang tawag dito.

1. Kumain sa mamahaling restaurant kasama ang ‘yong best friend o relative, i-feel mo na mayaman ka sa araw na ‘yon.

2. Pumunta sa malawak na park

o sa lugar na malapit sa dagat. Mare-relax ka kung maririnig mo ang alon sa dagat at magiging maginhawa ang ‘yong pakiramdam.

3. Lumabas ng bahay at mag-window shopping. Maaaliw ka sa mga bagay na gusto mo.

4. Ilibre ang sarili sa onsen at i-enjoy ang paliligo rito. Damhin mo ang init ng tubig upang mapawi lahat ng pagod at lungkot sa buhay.

5. Sa araw na ito pagbigyan mo ang ‘yong sarili na kainin mo ang lahat ng gusto mo, lantakan ang lahat ng tsokolate (without thinking about the calories).

6. Gawin mo ang buong araw na walang telepono o cellphone, walang e-mail, facebook, instagram, tweeter, walang boss,

walang mga anak na makukulit at walang asawang demanding.

7. Gawin mong walang stress ang buong araw ng buhay mo.

Malaki ang magagawa ng kaunting pahinga para sa iyong sarili, pagkatapos mong makawala at maramdaman ang pansamantalang kalayaan ay muli kang makahuhugot ng sapat na lakas mula sa iyong sarili. Higit na makapaghahanda ka sa mga pang araw-araw mong gawain. Muli kang makapagluluto ng masarap na hapunan para sa ‘yong pamilya matapos kang magkaroon ng break. Magiging productive ka rin sa ‘yong trabaho kung babalikan mo ito ng fresh ang isipan mo. Magiging isa kang amazing, creative, needed, capable at higit sa lahat mamahalin ka ng mga kasama mo sa buhay. KMC

MGA TIPS PARA

MAKAPAG-RELAX AT

BIGYAN NG LAYA ANG

(9)
(10)

isang tasang Kape

Ni: Alexis Soriano

literarY

Bagong Taon nang makatanggap si Alice ng text mula kay Judge Cynthia, “Happy New Year Alice, puwede ba tayong magkita at uminom ng isang tasang kape sa Kapihan sa Kapitolyo bukas ng alas tres ng hapon?” Bantulot mang sumagot ay napilitan na rin si Alice “Ok po, c u.”

Halos limang taon na rin ang nakaraan ng huling makita ni Alice ang hukom nang napawalang sala s’ya sa bintang na salang pagpatay sa asawa n’yang si Arnold at sa kalaguyo nitong si Anita.

Nagtatrabaho si Alice sa isang travel agency malapit sa Kapitolyo. Sa upisina ay kilalang kilala s’yang mahilig sa isang tasa ng kape after mag-lunch. Nakagawian na ni Alice ang uminom ng kape matapos kumain at magpalipas ng oras sa kanilang pantry area bago muling sumabak sa trabaho.

Muling nagbalik ang alaala ni Alice, madalas s’yang umiiyak noon habang umiinom ng kape, nagmumuni-muni at saka iiyak. Problema n’ya si Arnold, limang taon na silang kasal at may isang anak na lalaki, madalas silang mag-away dahil sa babae nito. Walang araw na hindi sila nagbabangayan mula ng makilala ni Arnold si Anita. Boss si Arnold sa isang car company, at si Anita ay pinsan ni Leo, ang sipsip n’yang empleyado. Minsan na n’ya itong naabutan sa office ni Arnold, ipinakilala sa kanya na isa raw sa mga ‘scholars-kuno’ ng kanilang kumpanya. Pero may kakaiba s’yang naramdaman ng kamayan s’ya nito at sabihin na…“Kayo po pala ang wife ni Sir Arnold, ‘maganda rin pala kayo.’ Kumusta po kayo?” Bahagyang ngiti lang ang isinagot ko sa kanya, “Anong ibig sabihin n’ya na maganda rin ako? Bakit inihahanay ba n’ya ang sarili n’ya sa akin?” Mula noon ay naging kapuna-puna na ang mga ikinikilos ni Arnold.

Lingid sa kanyang

kaalaman ay lihim akong sumusubaybay at kitang-kita ko nang ihatid ni Arnold si Anita sa apartment nito na malapit lang sa upisina ko, at nag-goodbye kiss pa sila. Nalaman ko rin na si Arnold ang nagbabayad ng apartment. Natuklasan ko rin na si Arnold ang totoong nagpapa-aral sa kanya.

Bihira ng umuwi sa bahay ang asawa ko, kung umuwi man s’ya ay upang kumuha lang ng damit na malinis at awayin ako. Masakit man ang mga nakikita ko ay tiniis ko pa rin sa pag-asang magbabago rin si Arnold, subalit mukhang nalulong na s’ya ng husto kay Anita.

Bagong Taon din noon ng matagpuan ang bangkay nila Anita at Arnold may mga tama ng bala sa kanilang katawan. Maraming pinaghinalaan: mga kalaban ni Arnold sa negosyo; mga kagalit; mga pulis na nagpaputok noong Bagong Taon; at maging si Alice ay pinaghinalaan din dahil sa

madalas nilang pag-aaway. Sa araw ng paglilitis, napawalang sala si Alice dahil wala silang sapat na katibayan. At napatunayan din na nasa loob ng upisina si Alice ng araw na ‘yon at nagtatrabaho kahit na Bagong Taon. Sa travel agency na inbound tour ang hawak ang New Year ay peak season. Marami ang naging saksi na naroon nga si Alice at uminom pa ng isang tasang kape matapos ang pananghalian. Absuwelto ang kaso sa kanya, at napatunayan na mga ligaw na bala ang tumama sa dalawa sa kasagsagan ng New Year’s eve.

Naunang dumating si Alice sa kanilang tagpuan ni Judge Cynthia. “Kumusta ka na, natutuwa ako at mukhang naka-move on ka na ng husto Alice.” “Opo Judge, masaya na kami ng anak ko.” “Alice, balita ko ay mahilig ka raw magkape? Gaano mo katagal ubusin ang isang tasang kape matapos kang kumain ng pananghalian

sa trabaho mo?” “Mga 1 hour po siguro, hinihintay ko po na lumamig muna ang coffee bago ko ito inumin. Sanay po ako na titikman ko lang ang umuusok na kape at palalamigin ko muna at saka ko ito babalikan para inumin.” “Ow! Kakaiba ka talaga! Ha! Ha! Ha! May isa pa akong tanong sa ‘yo, pero sa ating dalawa na lang ito ha, gaano ba kalayo sa office mo ang apartment ni Anita?” “Mga 30 minutes po balikan by taxi.” “Okay, masarap ba talagang inumin ang pinalamig mong kape sa loob nga isang oras?” “Masarap po!” Matapos ‘yon ay nagpaalam na ang hukom, “Happy New Year sa ‘yo Alice at kumusta na lang sa anak mo.” “Happy New Year din po!”

Heto na naman ako at nagmumuni-muni, bakit parang may alam si Judge? Bakit n’ya ‘yon itinanong kung gaano katagal kong inumin ang 1 tasang kape habang nakangiti s’ya? Sabay balik-tanaw muli sa mga nangyari. Nang araw na ‘yon, maaga akong nag-lunch, bandang 11:45 palihim kong kinuha ang tasa ng kape, tinimplahan ko na ito, tinakpan at gaya ng dati iniwan ko sa mesa. Dumaan ako sa likod ng office, sumakay ng taxi. 12:00 bumaba ako sa kanto na ‘di kalayuan sa apartment ni Anita. Halos lakad takbo patungo sa apartment, dala ko ang duplicate ng susi ni Arnold nang minsan n’yang naiwan sa bahay. Siniguro kong nasa loob sila, nang buksan ko ang pinto ay huling-huli ko silang nag-uulayaw, wala nang mga salita, tanging ang gatilyo na lamang ng baril ko ang nanumbat sa kanilang dalawa. Nagmamadali akong sumakay ng taxi sa may kanto pabalik sa upisina. Binalikan ko ang kape ko ng bandang 12:45, dumating na rin ang ibang kasama ko sa trabaho galing sa lunch. Inaya ko sila, “Kape tayo.” KMC

(11)

january 2014 KaBayan MIGranTS COMMunITy KMC

11

stORy

reGUlar

NASA BAHAY LANG

WORKING MOTHER

Maaari rin kayong magbahagi ng inyong saloobin at mga pakikibaka sa pagiging Buhay Mommy: Working Mother o Nasa bahay lang, ipadala sa email kmc_manila@ yahoo.com. Sagutin lang ang mga tanong: Kung ikaw ay isa ng mommy o nanay, posible ba na magkaroon ng sariling buhay ang isang Mommy o Nanay na katulad noong ikaw ay single pa? Ngayong Ina ka na ng tahanan, maaari mo nga bang pagsabayin ang pamilya at trabaho? O tuluyan mo nang tatalikuran ang lifestyle mo noong ikaw ay single pa? Masaya ka ba sa buhay mo ngayon?

Sa akin, sa sitwasyon ko ngayon ay nakasanayan kong pagsabayin ang trabaho at pagiging maybahay. Minsan hindi ko naman iniisip na may asawa na ako, parang natural pa rin. Depende kasi sa kasama mo sa buhay, kung hindi naman demanding tulad ng husband ko, hindi mo mafi-feel na may asawa ka na.

Buhay single: Dati noong single pa ako, nag-work ako sa Makati City, sa Metro Manila sa isang international bank company ang BCCI (Bank of Credit and Commerce International), almost 9 years din na working girl ako sa Makati, ‘di ko rin masabing solong buhay dahil kasama ko sa bahay ang mga kapatid ko. and that time, sumusuporta na rin ako sa pagpapa-aral sa 2 kong kapatid na bunso, kaya nasanay na rin ako na may responsibilidad sa buhay at my early age. until such time na nagpakasal na ako sa husband kong si Glicerio H. Bayaras, nagwo-work s’ya noon sa San Miguel Corporation.

Buhay may asawa: nag-settle kami for a while sa Manila but later on nag-decide na rin kami na mag-move to Basco, Batanes, that was 1999. Being a working mother is not that easy. Siyempre kailangan ang time management. Habang nag-aaral ang mga anak ko sa Saint Dominic College of Basco ay naging casual government employee ako sa KSK (Kapanidungan Sa Kalusugan), a Health program of Batanes, sa local government office. At hanggang ngayon ay connected pa rin ako sa Local Government unit-Basco (LGu).

Working mother: Malaking tulong ang pagiging working mother ko. ‘yong panganay ko ay graduate nang BSBa Major in Financial Management with honors. ‘yong pangalawa ko ay graduate na rin ng BSBa Major in Marketing Management with honors, at pangatlo ay graduating na rin this coming March BSBa major in HrM and hopefully with honors din s’ya ga-graduate. ’yong bunso ko ay graduating na rin sa High School ngayong March din.

Malaking tulong financially sa mga bata ’yong kinikita ko monthly, sakop na doon ’yong pang-araw-araw na gastos sa eskuwela, maging mga miscellaneous expenses sa bahay. and aside from monthly income ko from my regular work, may iba pa rin akong sideline mula sa mga natutunan ko sa TESDa, malaking tulong ’yong naka-graduate ako sa massage theraphy with the help of our Honorable Mayor Demy Paul C. narag.

ang single life noon at ngayon: Hindi ko naman tuluyang tinalikuran ang lifestyle

ko noong single pa ako, dahil nagagawa ko pa rin naman ang bagay na kinagawian ko noon, tulad ng socialization-related din ito sa work ko ngayon. Parang wala namang nabago kundi ‘yong nagkaroon lang ako ng mabait at maunawaing asawa at higit sa lahat mga anak na matatalino, sa awa ng Diyos.

Simple lang ang buhay namin sa Batanes, tahimik, kalmado ang mga tao, honest, walang polusyon at maganda ang kapaligiran, maintain ang peace and order kung saan ako connected as night shift agent/children and youth guardian. Mayroong ipinapatupad ang local

government na pangalagaan ang kabataan laban sa karahasan and

child abuse, isa itong curfew hour tulad ng mga 12 years old below ay 9:00 pm ang curfew hour at ‘yong 13 to 18 years old, sa10:00 pm naman, bawal na silang lumabas ng bahay.

Masaya ako ngayon dahil sa mga anak ko at apo, wala na rin akong mahihiling pa dahil masaya naman ako sa married life ko at nagagawa ko pa rin ang lahat ng bagay noong single pa ako.

It is a matter of partner in life, like my husband very understanding and very supportive.

Germa B. Bayaras - Basco, Batanes. KMC

Sa makabagong takbo ng panahon karamihan sa mga kababaihan ay may sariling trabaho para kumita ng pera. Madali

na nilang nagagawa ang lahat ng mga bagay na gusto nilang gawin,mag-travel, mabili ang lahat gusto at luho sa katawan at kung anu-ano pa. Subalit kapag sila ay nag-asawa na, ang lahat nang tinatamasa nila ay maaaring maipagpatuloy, maputol o tuluyan nang mawala. Kung ikaw ay isa ng mommy o nanay, posible nga ba na magkaroon ng sariling buhay ang isang Mommy o Nanay na katulad mo noong ikaw ay single pa? Ngayong Ina ka na ng tahanan, maaari mo nga bang pagsabayin ang pamilya at trabaho? O tuluyan mo nang tatalikuran ang lifestyle mo noong ikaw ay single pa?

Masaya ka ba sa buhay mo ngayon?

(12)

stORy

MaiN

Ni Celerina del

Mundo-Monte

Sa paghagupit ng bagyong

Yolanda (international name:

Haiyan) noong Nobyembre 8,

2013 sa Pilipinas, ipinakita ng

buong mundo ang kanilang

malasakit sa mga Pilipino.

Mahigit na 60 mga bansa

at international organization

ang agad na nagpadala

ng tulong sa Pilipinas. Ang

bansang Japan ang isa sa

masugid na tumulong sa mga

naapektuhan ng bagyo.

Mahigit na 1,000 tropa ng

Self-Defense Force (SDF) ang

ipinadala kaagad ng Japan

sa Visayas kung saan tumama

ang super typhoon.

Maliban sa mga tropa

ng SDF, nagpadala rin ang

pamahalaan ni Prime Minister

Shinzo Abe ng tatlong

warships, transport aircraft

at mga helikopter. Ito umano

ang pinakamalaking relief

mission na ipinadala ng SDF sa

ibayong dagat. Ito rin umano

ang pinakamalaking tropa na

ipinadala ng Japan sa Pilipinas

HaGUPit Ni YolaNda

at tUloNG Sa MGa BiKtiMa

ng emergency relief goods

na nagkakahalaga ng aabot

sa 60 milyong yen; 2,000 bote

ng tubig at 5,000 bahagi ng

pre-cooked rice mula sa Aichi

Prefecture.

Mayroon ding

inaprubahang proyekto ang

Japan na ipatutupad ng

ASEAN Plus Three Rice Reserve

na kung saan mamamahagi

ng 500,000 dolyar na halaga

ng emergency rice gamit ang

kontribusyon ng Japan; at 30

milyong dolyar na emergency

grant na idadaan sa United

Nations.

May mga tulong din na

nanggaling sa mga

non-government organizations

(NGOs) ng Japan na

nagkakahalaga ng 1.5

milyong dolyar.

Base sa Foreign Aid

Transparency Hub (FAiTH)

ng pamahalaang Pilipinas,

tinatayang may kabuuang

5.156 bilyong piso ang

halaga ng tulong ng bansang

Japan at mga NGO nito sa

mga sinalanta ng bagyong

Yolanda.

Ilan sa mga aktibidad na

ginawa ng tropa ng SDF sa

mga lugar na sinalanta ng

bagyo ang pag-i-spray sa

mga siyudad ng Tacloban

at Palo sa Leyte, kung saan

maraming namatay, para

maiwasan ang epidemya.

Nagkaroon din sila

ng medical mission sa

Daanbantayan National High

School sa Cebu.

Ang bagyong Yolanda

ang itinuturing na

pinakamalakas na bagyong

humagupit sa Pilipinas at

maging sa buong mundo sa

modernong panahon. May

dala itong lakas ng hangin na

matapos ang Ikalawang

Digmaang Pandaigdig (World

War II) kung saan naging

magkalaban ang mga Pilipino

at mga sundalong Hapon

noong mga unang taon ng

Dekada ‘40.

Habang isinusulat ang

artikulo, nakatakdang

bumisita sa Pilipinas si

Japanese Defense Minister

Itsunori Onodera at puntahan

ang mga tropang Hapon sa

Visayas.

Maliban sa tropa ng SDF,

nagpadala rin ang Japan

(13)

january 2014 KaBayan MIGranTS COMMunITy KMC

13

235 kilometers per hour malapit

sa gitna at pagbugso na 275 kph

ayon sa Philippine Atmospheric,

Geophysical and Astronomical

Services Administration

(PAGASA). Subalit ayon sa Joint

Typhoon Warning Center, umabot

sa 314 kph ang dalang hangin ni

Yolanda at pagbugso na 378 kph.

Anim na beses umanong

nag-landfall si Yolanda noong

Nobyembre 8: sa Guiuan, Eastern

Samar; bayan ng Tolosa sa

Leyte; Daang Bantayan sa Cebu;

Bantayan Island, Cebu; bayan ng

Concepcion sa Iloilo; at Busuanga

sa Palawan.

Base sa datos ng National

Disaster Risk Reduction and

Management Council (NDRRMC)

noong Disyembre 1, 2013,

ika-6 ng umaga, umabot na sa

5,632 ang namatay, 26,136 ang

nasugatan at 1,759 ang nawawala

pa.

Mayroong 2.376 milyong

mga pamilya o 11.236 milyong

katao ang naapektuhan ng bagyo

sa 12,076 na mga barangay sa 44

mga lalawigan sa bansa.

Sa mga apektado, 892,493

pamilya o mahigit sa apat na

milyong mga tao ang nawalan ng

tirahan.

Umabot na sa 30.6

milyong piso ang halaga

ng napinsalang mga

imprastraktura at agrikultura

ni Yolanda.

Sa inisyal na pagtaya ng

pamahalaan ni Pangulong

Benigno Aquino III,

kakailanganin ng 40.9

bilyong piso para sa unang

bahagi ng rehabilitasyon ng

mga lugar na nasalanta ng

bagyo.

Maari pa umanong

tumaas ang gastos para

sa mga pagsasaayos na

gagawin.

Personal na pinuntahan

ni Pangulong Aquino ang

mga lugar na sinalanta ng

bagyo tulad ng Leyte at

Eastern Samar at namahagi

ng tulong doon.

Nagpasalamat din siya

sa mga bansa, organisasyon

at mga pribadong sektor sa

ibang bansa at maging sa

Pilipinas sa mga tumulong

at patuloy na tumutulong sa

mga naapektuhan ng bagyo.

KMC

(14)

stORy

featUre

tradisyon sa Bagong taon

May mga tradisyon ukol sa Bagong Taon, iba’t ibang paraan ng pagsulubong ang inihahanda ng mga Pilipino tungo sa higit na tagumpay at makabuluhang buhay

para sa pagpasok ng 2014. Sa Pilipinas, bago pa dumating ang alas

dose ng hatinggabi sa pagitan ng December 31 at january 01 ang buong pamilya ay sama-samang nagsisimba. n a g p a p a s a l a m a t sa lahat ng mga biyayang tinamo ng buong nakaraang taon. Pinaniniwalaan na ang pagsisimba

sa Hatinggabi ay nagsisimbolo ng pag-asa para sa

masaganang Bagong Taon.

Sa pagsapit ang alas dose, nakahanda na ang hapag-kainan para sa isang masaganang salo-salo sa Media noche. Masagana at sari-saring putahe ng ulam ang nakahain, sabay-sabay

kumakain ang buong pamilya sa paniniwalang magkakaroon ng mas maraming pagkain ngayong taon. ang new year’s Eve ay nagsisilbi rin na family reunion.

ang mga kabataan ay tumatalon ng 12 na beses sa paniniwala na tataas sila sa darating na bagong taon.

ang pagpapaputok ang pinakatampok na bahagi ng pagdiriwang sa Bagong Taon, itinuturing na ang pag-iingay ay hindi lamang nangangahulugan ng kaligayahan kundi sa pinaniniwalaan na makapagpapaalis din ito ng mga masasamang ispiritu sa kapaligiran.

nariyan din ang pag-iingay ng iba’t ibang uri at paraan ng pagpapaputok ng mga iba’t ibang klase ng firecrackers pagsapit ng alas-dose.

Mga tradisyon

Hindi rin maiisantabi ang ilang mga tradisyon na naging bahagi na ng ating kultura, ito’y minana pa natin sa Western, Eastern, asian o mga katutubong ninuno natin. Maaaring paniwalaan kung may kaakibat na suwerte o hindi ang pagsunod, subali’t walang mawawala kung susubukan natin ang mga nakagisnan ng tradisyon. • Paglalagay ng pera sa bulsa para raw laging may laman ito

buong taon.

• Pagbabayad sa lahat ng pagkakautang bago pumasok ang Bagong Taon.

• Pag-iingay sa pamamagitan ng pagpapaputok, pagbubusina, pagpapatunog ng kampana para maitaboy ang mga masasamang espiritu.

• Pagbubukas sa lahat ng bintana sa pagsapit ng ika-alas dose sa unang araw ng taon upang itaboy ang malas at pumasok ang suwerte.

• Paghahain ng mga bilugang prutas at iba pang bilugang pagkain sa mesa para suwertehin ang lahat

ng miyembro ng pamilya sa buong taon.

• Pagkain ng labindalawang ubas pagsapit ng ika-alas dose para suwertehin

sa buong taon.

• ang pagbati ng Happy new year sa lahat ng makakasalubong ay may dalang suwerte sa buhay sa buong taon. KMC

(15)

january 2014 KaBayan MIGranTS COMMunITy KMC

15

New Year’s

Resolution

N e w Y e a r ’ s Resolution, ayon sa kasaysayan ay nagmula ito sa Ancient Babylon may ilang daantaon na ang nakalipas kung saan ang mga Ancient Babylonians ay may pangkaraniwang resolusyon “Ang pagbabalik ng kanilang mga hiniram na gamit, mga kasangkapan na ginamit nila sa kanilang pagsasaka.” Sa Pilipinas, New Year’s Resolution ay may kaugnayan sa pansariling buhay sa araw-araw, tulad ng mga pag-uugali at mga bisyo. Nakaugat din ito sa pansariling pangako

dapat ng b a g u h i n . Isang halimbawa ay ang labis-labis na oras sa pagko-computer. Maraming kabataan ang adik na sa laro, inuubos ang pera, oras at panahon sa online game, kadalasan ay nagiging sanhi ito ng hindi pagpasok sa eskuwela. Ang paggasta nila ng pera, wala silang pakialam kung paano ito kinita ng kanilang magulang, kung ano ang pinagdaanan, nagpapakahirap na magtrabaho sa ibang bansa para lustayin lamang ng kanilang anak sa pustahan, paglalaro ng online game sa computer.

Narito ang ilang pangako or New Year’s Resolution:

2014

na nais gawin o baguhin sa

kanyang mga kinagawiang ugali, kalimitan ay sa kanyang lifestyle.

Tuwing sasapit ang Bagong Taon ay sinasabayan din ito ng mga pangako. Gumagawa ng talaan upang sundin ang mga gagawing pamamaraan o sistema sa loob ng isang taon, ang ganitong pamamaraan ay may sinusunod na plano, at maitatalaga ito ayon sa takdang panahon. Isa itong hamon sa ating kakayahan at katatagan para makapagbago ng tuluyan, pilit na kinakaya sa una subali’t nawawala na rin sa kalaunan. Karamihan ay nagiging “Ningas-Kugon” biglaan lang ang pagliyab ng apoy, subalit kaagad din itong namamatay.

May mga kinagawian na

• Tumigil sa paninigarilyo at pag-inom ng alak • Magpababa ng timbang at maging physically fit • Mag-aral na mabuti • Maging mabait at mabuting anak • Umuwi ng maaga • Magbayad ng utang • Iwasan ang tsismis • Magtipid at

mag-impok ng pera • Humanap ng trabaho • Iwasan ang stress Ikaw, Anong New Year’s Resolution mo? KMC

Hatsumōde

january 2014 KaBayan MIGranTS COMMunITy KMC

15

stORy

featUre

ayon sa Wikipedia, ang “ Hatsumode (初詣) ” ay ang unang pag-bisita sa Shinto Shrine pagdating ng japanese new year. ang ibang tao naman ay bumibisita sa Buddhist Temple. Karamihan sa kanila ay sa una, ikalawa, at ikatlong araw ng bagong dating na taon nagpupunta dahil halos lahat ay nakabakasyon pa sa mga ganoong araw. Marami ang gumagawa ng kahilingan at bumibili ng bagong “omamori” (charms or amulets) at ‘yong mga luma na ay binabalik sa shrine upang sunugin. ang halaga ng “omamori” ay paiba-iba rin. Malimit na mahaba palagi ang pila lalung –lalo na sa mga malalaki at kilalang shrines sa buong japan.

Mula Disyembre 29 hanggang Enero 3 ng bawa’t taon ang kadalasang bakasyon ng mga Hapon, kaya ito rin ang tanging panahon na maaari nilang linisin ang buong bahay, magbayad ng kanilang mga utang, bumibisita sa mga kamag-anak at kaibigan at nagpapalitan din ng mga regalo. Kaugalian din na maaga pa lamang ay sumasamba na sila, at sinusundan ng pag-inom ng sake(Japanese wine) na madalas nilalagyan ng edible gold flakes at may espesyal na handa. Sa araw ng Hatsumode, pangkarani-wan na nagsusuot ang mga kalalakihan ng traditional kimono na bihira nilang gawin sa ordinaryong araw.

ang pangkaraniwang kaugalian tuwing Hatsumode ay ang pag-bili ng “omikuji”(written oracle”. Kapag ang nakasulat sa iyong omikuji ay “bad luck”, itali ito sa puno na nasa shrine, na umaas-ang umaas-ang hula ay hindi magkatotoo. nakadetaye din umaas-ang mga na-kasaad dito at sinasabi kung ano ang maaari mong gawin sa iba’t-ibang bahagi ng iyong buhay, tulad sa pag-ibig o negosyo para sa taong dumating. Kadalasan may “goodluck charm”na kasama ang omikuji kapag binili mo ito na pinaniniwalaang humahamon sa magandang kapalaran at buwenas na pagpasok ng pera sa pagdating ng taon. KMC

(16)

& HAPPENINGs

eVeNtS

Minato Christmas Party & Bela’s 1st Birthday

party at Inaei Catholic Church, Dec. 8,2013

Pray FOr PHILIPPInES

EVEnT

Hirakata Church Filcom Christmas Party,

Dec. 8,2013

Kakamigahara Church Community

Christmas Party, Dec. 8, 2012

yatsushiro Filcom Christmas Party,

Dec. 8, 2013

HFa Christmas Party,

Dec.8, 2013

Fuji Church Filcom Christmas Party,

Dec. 8, 2013

Maebashi Church Filcom Christmas Party,

Dec. 1, 2013

Anjo-Kariya Christmas Charity Raffle

Dec.1, 2013

Kagoshima Thanks Giving Charity Event,

Dec.18, 2013

(17)

january 2014 KaBayan MIGranTS COMMunITy KMC

17

MiGraNtS

Susan Fujita

It’s with my deepest love and sincerity to wish you all KMC faithful readers, friends, and followers , “a HOPEFuL TOMOrrOW & MOrE PrOSPErITy In 2014!” We had a very devastating year as a nation. But it should not STOP us and our dreams to restart, rebuild, and reinvigorate our body, heart, and soul for the future of our family members who will continue the generation to come. We are a people of pain, sorrow, and more and more dysfunctional families. But time and again we have proven how strong we could EnDurE all the pains and sorrows that befall us. We’re a nation of SurVIVOrS. We don’t wait what the government will do for us, instead, we do it our own way to decide what’s best for us and our families back home. We can’t put the blame on others or just “pointing fingers” who to blame to make an excuse. We are all RESPONSIBLE for all our actions and decisions, be it privately or publicly.

We always claim or blame others and crying out for CHanGE, but CHanGE should come and start from each and everyone of us. Every simple and single act of love; kindness; understanding; forgiveness; compassion; loyalty; dedication; cooperation; and HOnESTy will infuse the world to be a better place to live.

We should live in all HOnESTy. refrain and reject the COrruPT world and society and learn to be more human and not just MErE MaTErIaLISTIC and GrEEDy human being. The modern day relativism and hypocrisy are what make the world go round and round in this age and time. We should all think a million times before we decide what to do; who to trust; what matters the most; priorities; and on and on and on.

Let me part from the reading of PSaLM 71: “2. May He judge thy people with righteousness, and thy poor with justice!” May righteousness flourish and PEACE ABOUND!

LOOKInG FOrWarD TO a MOrE FruITFuL 2014!

GOD BLESS!

Susan P. Fujita

A HOPEFUL

TOMORROW & MORE

PROSPERITY 2014!

CORNER

To the victims of Typhoon yolanda who encountered severe damages, KMC wishes to extend heartily a generous support, and will continue to pray for the restoration of the badly stricken areas of central Visayas.

reported to be the strongest typhoon ever to hit the Philippines, particularly the Visayan islands of Leyte and Samar (central part), on november 8, 2013, typhoon yolanda (known in japan as Typhoon #30), had a core atmospheric pressure that reached 895 hectopascal at one time. The fourth strongest that struck his-tory when speaking of the velocity of the wind, according to observation made. Many areas including the City of Bohol, which was stricken by a 7.2-magni-tude earthquake last October 15, 2013, was exposed to an intensed rainstorm. Other affected areas were the cities of Samar, Cebu, Iloilo, Palawan, and the whole of Leyte, which was directly hit by the largest typhoon yolanda with the worst damage caused by the floods and landslides. According to reports, almost 20,000 houses were damaged, but as of nov. 15, the Philippine gov-ernment’s estimation rose to 9,500,000.

In order that KMC will be able to pursue its objective to help, we would like to take and accept monetary donations or financial help, making it our relief funds, carrying the slogan “KMC FOr a CauSE”. your donations would gener-ally aid the reconstruction of the stricken areas by the typhoon and earthquake that recently occurred in the Philippines.

KMC is looking forward to your warm and generous support.

** Donations will be forwarded later to authorized institutions or organizations handling this relevant matter. **

KMC Service

K

M

C

KABAYAN TULONG DONATION DRIVE

ゆうちょ銀行

YUUCHO GINKOU

KMC FOR A CAUSE

Account Name /

口座名

ケイエムシーフォーアコウズ

From YUUCHO GINKOU

Acct. No. /

口座番号

00190-6-386583

From OTHER BANK INSTITUTION

Branch Name /

支店名

〇一九

(Zero Ichi Kyu)

FURIKAE KOUZA /

振替口座

Acct. No. /

口座番号

0386583

TOUZA /

当座

KMC sERVICE

tel.03-5775-0063

Mon. - Fri. 10:00 am - 6:30 pm

(ゼロ イチ キュウ)

HIrOSHIMa FILIPInO aSSOCIaTIOn(HFa) jaPanESE donation (19 persons)

SaMaHan nG MGa PILIPInO KaGOSHIMa(SPK) From Filipinos in KaGOSHIMa Prefecture (7 persons) (Kagoshima-shi, Ichikikushikino-shi, Satsumasendai-shi)

as of Dec. 20, 2013 Collected donations 211,000 yen

(18)
(19)
(20)
(21)
(22)

JAPAN

BalitaNG

SEMINAR PARA SA TOKYO

OLYMPIC SINIMULAN NA

Inumpisahan na ng International Olympic Committee ang dalawang araw na orientation seminar para sa mga organizers ng 2020 Tokyo Olympics. Kabilang ang mga opisyal ng komite ay dumalo rin ang halos 200 katao at ginanap na closed-door ang seminar. Sinabi ni JOC President Tsunekazu Takeda na determinado sila na ma-mi-meet ang global expectations.

JAPAN NAGBIGAY NG $10M

TULONG PINANSYAL PARA

SA PILIPINAS

Nagdesisyon ang gobyerno ng Japan na magbigay ng tulong pinansyal na nagkakahalaga ng $10M para sa mga biktima ng supertyphoon Yolanda sa bansang Pilipinas. Ayon kay Chief Cabinet Secretary Yoshihide Suga ay maglalaan ng mga relief supplies tulad ng emergency shelters, pagkain, tubig at hygiene products sa pamamagitan ng international organizations.

DALAWANG JAPANESE

WAGI SA CHOCOLATE FAIR

Sina Sadaharu Aoki at Hironobu Tsujiguchi ay nagwagi sa Salon du Chocolat Global Chocolate Fair na isa sa pinakamalaking chocolate fair sa bansang Paris. Si Aoki ay nakabase sa Paris ngunit may business sa Japan samantalang si Tsujiguchi naman ay nagpapatakbo ng shop sa Tokyo at sa iba pang panig ng bansa. Ito ang unang pagkakataon na sumali sa patimpalak.

HONDA ACCORD HINIRANG NA GREEN CAR OF THE YEAR

Kinilala bilang Green Car of the Year ang Honda Accord sa L.A Auto Show. Tinalo nito ang Audi A6 TDI, BMW328d, Mazda at ang Toyota

Motor Corp Corolla. Ito rin ang ikalawang taong magkasundo na nagwagi bilang top-selling sedan. Ito rin ay ni-rate ng Environmental Protection Agency.

TITECH SUPERCOMPUTER

WAGI BILANG WORLD’S

MOST ENERGY-EFFICIENT

Ang super computer na Tsubame-KFC na dinevelop sa Japan ang nasa unang ranking sa Green500 list bilang world’s most energy-efficient machine kung saan ang gumawa ng ranking ay ang mga opisyal ng Virginia Tech na isang Polytechnic Institute sa US. Ito ang unang Japanese super computer na nakakuha ng titulo at nasa ikalawang posisyon naman ang Tsubame-2.0.

US RESEARCHER

GINAWARAN NG

IMPERIAL BIOLOGY PRIZE

Ang professor mula sa University of Washington na si Professor Joseph Falsenstein ay ginawaran ng International Prize for Biology para sa kanyang kontribusyon sa progress of evolutionary biology. Dumalo sa seremonya ang Empress at Emperor ng bansa. Ang prize na ito ay itinayo taong 1985 upang pasinayaan ang 60-year old reign of Emperor Showa na isang estudyante ng biology.

HOLLYWOOD ACTOR HUGH JACKMAN

NG WOLVERINE KINUHANG

FUKUYAMA CITY AMBASSADOR

Dahil sa pelikulang The Wolverine na kinunan mismo sa Japan ay naging Ambassador si Hugh Jackman ng Fukuyama City. Gamit ang pangalang Wolverine ay pino-promote niya ang nasabing lugar at ang mga tao sa Tomonoura. Sinabi rin ng mga opisyal ng lugar na nag-enjoy si Jackman kasama rin ang kanyang pamilya.

MGA CHEFS MULA SA JAPAN

AT FRANCE INADVERTISE ANG

JAPANESE FOODS

Dinisplay ng mga chefs mula Japan at France ang kanilang culinary skills sa isang event sa Paris upang makahikayat ng mga tao na subukang tikman ang mga Japanese foods. Ang nag-organize ng event na ito ay si French Chef Alain Ducasse na gumagamit ng mga Japanese ingredients sa kanyang restaurant. Sinabi ni Ducasse na maraming natututunan ang mga chefs mula sa mga Japanese cuisine.

ENGLISH VERSION NG DORAEMON

PASOK SA NORTH AMERICAN MARKET

Ang electronic edition ng Japanese manga na Doraemon ay magiging available na sa wikang Ingles at ilalabas sa North America sa unang pagkakataon. Ang publisher na Shogakukan Inc., ay magsisimula nang mag-deliver sa Canada at Amerika sa pamamagitan ng Amazon. com na isang electronic bookstore. May konting pagbabago sa English version nito tulad ng pagpapalit ng mga pangalan sa English name.

BUNGEE JUMP TEST

GINANAP SA IBARAKI

Isang Canadian citizen ang sumabak para sa bungee jump test na ginanap sa 100-meter suspension bridge sa Ibaraki Prefecture. Suot ang fail-safe device para sa test drive ay naroon din ang ilang turista upang saksihan din ang colored leaves of autumn. Sinasabi ng isang opisyal na nais nilang ibalik ang scenic city sa mga turista dahil bumaba ang bilang nila mula ng maganap ang 2011 earthquake at tsunami.

COMET ISON NAKUHANAN

NG CAMERA

Ang Super Hi-Vision camera ng NHK ay nakuhanan ng footage ang kometang Ison na nadiskubre ng mga Russian at iba pang observation team noong nakaraang Setyembre ng nakaraang taon. Ikinabit ang nasabing camera at single-lens reflex sa one-meter diameter telescope sa isang observatory sa Tottori City western Japan. Ayon kay Prof. Junichi Watanabe ay nagiging visible ang kometa kapag nakakalapit sa araw.

SEVEN-ELEVEN JAPAN NAGDIWANG

NG ANIBERSARYO

Nagdiwang ng ika-40th na anibersaryo ang isa sa pinakamalaking convenience store sa bansa na Seven-Eleven. Nag-umpisang buksan ito taong 1973 bilang business tie-up sa pagitan ng supermarket operator Ito-Yokado at Seven-Eleven ng bansang US. Dumalo sa seremonya si Chairman Toshifumi Suzuki ng Seven & I Holdings. Plano rin nilang magbukas pa ng 1,600 na branches sa iba’t-ibang panig ng bansa.

MALAKING BERDENG

PADER INILANTAD NA

Inilabas na sa publiko ang pader na may taas na 9 na metro at may lapad na 78 metro at nilagyan ng mga halaman tulad ng cosmos na tinawag na Kibo No Kabe o Wall of Hope. Ang arkitek na si Tadao Ando na mula sa Osaka ang nag-propose ng proyektong ito na inumpisahang itayo buwan ng Hunyo. Umabot sa 250 katao ang dumalo sa event upang markahan ang pagkumpleto sa landmark ng mataas na gusali sa distrito ng Osaka. KMC

DATING PM KOIZUMI PINAYUHAN SI PM ABE NA I-GIVE

UP NA ANG NUCLEAR POWER GENERATION

Nagbigay ng suhestiyon si dating Prime Minister Junichiro Koizumi kay Prime Minister Shinzo Abe na i-give up na ang nuclear power generation at magdesisyong mabuti sa zero nuclear policy. Sinabi ni Koizumi sa isang news conference na kung magdedesisyon si Abe ay walang mag-o-oppose at simulan ng lumikha ng state of natural energy sources. Komento rin ng dating punong ministro na hindi na kinakailangan pa ng Japan na humingi ng summit sa bansang China. Darating din di umano ang panahon na mapapahiya ang China ukol sa isyu ng pag-angkin ng Yasukuni.

MGA KABATAANG JAPANESE NAGBIGAY TULONG PARA

SA NASALANTA NI YOLANDA SA PILIPINAS

Anim na 6th grader sa isang elementary school sa Fukuyama City ang nagtulong-tulong kasama ang ilang kaklase na mag-ambag ng tulong pinansyal para sa mga nasalanta ni Yolanda. Ang fund-raiser na si Takashi Saito ang nagbigay ng ideya na gumawa ng paraan upang matulungan ang kaibigan na si Shotaro Akehira na ngayon ay nakatira sa mga kamag-anak sa Tacloban City. Ang civic group din sa Fukuyama ay magsasagawa ng fund-raising campaign.

MIZUHO BANK PINAIINSPEKSYONG

MULI

Magsasagawang muli ng inspection ang mga Japanese financial regulators sa Mizuho Bank upang makasiguro kung nagko-cover sila ng mga loans para sa mga sindikato. Nagsimula na ring mag-imbestiga ang Financial Services Agency sa corporate compliance sa Bank of Tokyo-Mitsubishi UFJ at Sumitomo Mitsui Banking Corporation. Sisiyasatin ng ahensya ang mga bangko kung paano nila i-manage ang datos ng mga criminal syndicate at kung ano ang maaari nilang gawin kung sakaling mai-e-extend ito sa mga miyembro ng grupo.

UNANG UNDER SEA STATION

NAGTAPOS NA NG OPERASYON

Ang kauna-unahang under sea station sa buong bansa na Tappi Kaitei Station ay nagtapos na ng kanilang operasyon. Ang istasyon ay matatagpuan 135 metro sa ilalim ng karagatan. Ito ay itinayo bilang evacuation site sa Seikan Tunnel na binuksan taong 1988 na nagli-link sa Aomori Prefecture sa Hokkaido sa pamamagitan ng tren. Sinabi ng guide na magsasara na ito dahil ang 80-cm na platform nito ay masyadong malawak para sa Shinkansen bullet train services.

(23)

january 2014 KaBayan MIGranTS COMMunITy KMC

23

PINAs

BalitaNG

PAROLE NI LEVISTE MAHIHIRAPAN NANG BAWIIN

Dating Batangas Governor Antonio Leviste nabigyan na ng parole noong nakaraang December 06, 2013 dahil sa kanyang magandang asal habang nakakulong. Matatandaan na napatawan ng anim hanggang 12 taong pagkakakulong si Leviste matapos patayin ang dati niyang tauhan na si Rafael delas Alas. Ang Department of Justice’s Board of Pardons at Parole (BPP) ang nagbigay ng parole kay dating Gobernador Leviste na nakasuhan ng murder.

Dismayado naman si Pangulong Benigno Aquino III sa ginawang desisyon. Tanong ng Pangulo: “Paano magiging good conduct yung nasa labas ng piitan habang nagse-serve ng sentence?” “Bakit napalaya ang isang taong nakapiit na hindi pa rin sumusunod sa batas?” Ang tinutukoy ni Pangulong Aquino ay ang pagkakahuli ng mga awtoridad kay Leviste sa LPL building sa Makati City noong 2011 kahit na nakakulong ito. Si Leviste ay lumabag sa kanyang sa prebiliheyong “Living out” kung saan sa compound lamang ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa siya maaaring maglibot. Pahayag naman ni Superintendent Venancio Tesoro, NBP officer-in-charge sa paglaya ng 73-anyos na si Leviste, “Most likely, the board took that factor (old age) as a matter of course.”

Hindi na maaaring bawiin ng gobyerno ang parole na nakuha ni Leviste: Nauna nang sinabi ni Pangulong Aquino na maaaring bawiin ang parole kung tumututol ang pamilya ng biktima. Subalit bandang huli ay inamin din ng Pangulo na mahihirapan nang bawiin ang ibinigay na parole ng Bureau of Pardons and Parole (BPP) kay Leviste dahil wala namang pagtutol ang pamilya ng biktima na si Rafael delas Alas sa pagkakaloob ng parole sa dating gobernador at sinasabi ng BPP na dumaan ito sa lahat ng proseso bago binigyan ng parole si Leviste.

Pahayag ng Pangulo, “Pinapa-review ko rin iyon, puwede bang mabawi. Ang pagkaintindi ko ho only sa objection nung family concerned under the present rules. Hindi naman tayo puwedeng gumawa ng panibagong patakaran na magiging retroactive. So medyo hirap akong magkomentaryo pa dito dahil nga pinaaral ko nang masusi lahat nung anggulo na mag-review nitong incident na ito.”

Maging si Department of Justice (DOJ) Secretary Leila de Lima ay kumbinsido rin na legal ang pinagbatayan ng BPP sa pagpapalaya kay Leviste. Nanindigan ang mga opisyal ng Bureau of Corrections at BPP na nakatugon si Leviste sa lahat ng requirement para sa parole. Hindi rin umano ginawang batayan ng disqualification sa parole ni Leviste ang nabukong paglalabas-masok niya sa NBP noong 2011 dahil naabsuwelto naman siya ng hukuman sa kasong ‘evasion of service of sentence.’

SENADO, APRUBADO NA ANG P14.6B

SUPPLEMENTAL BUDGET

Nakapasa na noong November 28, 2013 sa Senate Finance Committee ang P14.6 bilyong calamity funds na gagamitin sa relief, rehabilitasyon, repair at konstruksiyon ng mga lugar na napinsala ng mga nagdaang kalamidad tulad ng mga bagyong Santi, Labuyo at Yolanda, ang 7.2 lindol sa Central Visayas at sa nangyaring Zamboanga siege.

Nakapaloob sa Senate Bill 1938 ang panukalang calamity funds na inihain ni Senate President Franklin Drilon na kukunin sa hindi pa nagagamit na Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng mga mambabatas noong 2013 na idineklarang unconstitutional ng Supreme Court. Pahayag ni Sen. Chiz Escudero, chairman ng komite, ang P14.6 bilyon supplemental fund ay makatutulong ng malaki sa mga mamamayan na naapektuhan ng kalamidad. Ipandaragdag ang nasabing pondo sa quick response funds (QRF) ng iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno at sa President’s calamity fund. Kabilang sa mga makatatanggap ng nasabing supplemental budget ang Department of Agriculture (repair at rehabilitasyon ng irrigation system), Education (repair at rehabilitasyon ng mga school buildings), Department of Energy (rehabilitation at electrification infrastructure), State Universities and Colleges (repair at rehabilitation ng mga academic buildings), DOH (repair/rehabilitasyon ng kalsada, tulay, government buildings at infrastructure), NHA (pagbili ng mga relocation sites at construction ng mga housing units), DOTC (repair/rehabilitasyon ng mga airports and ports) at Local Government Units (repair ng mga rural health units at hospitals at rehabilitation programs).

ARESTADO NA ANG PEKENG UN REPRESENTATIVE

Kamakailan lang, sa isinagawang follow-up operations sa Cagayan de Oro City ay bumagsak na sa mga operatiba ng pulisya ang impostor na United Nations (UN) representative na si Daniel Xavier na sangkot sa panlilinlang sa Moro National Liberation Front noong Oktubre 2013.

Ayon sa report ni P/Chief Supt. Juanito Vano, ang suspek ay nasakote sa bisinidad ng bus terminal sa Barangay Bulua. Sa tala ng pulisya, si Xavier ang nakipag-deal sa grupo ni MNLF Commander Habier Malik na namuno sa pagsalakay sa limang baybaying barangay sa Zamboanga City noong Oktubre 15, linggo matapos magdeklara ng kasarinlan sa Sulu si MNLF Founding Chairman Nur Misuari. Maaalala na sa kasagsagan ng pag-atake ay sinabi ni Malik na makikipagnegosasyon lamang sila kay Xavier dahil kinatawan ito ng UN.

Sa bisa ng warrant of arrest ay inaresto ang suspek sa kasong rebelyon na inisyu ng Zamboanga City Regional Trial Court, Branch 15 matapos makipagsabwatan sa madugong pag-atake ng MNLF Nur Misuari faction. The suspect pretended to be a representative of the United Nations and assured the Moro National Liberation Front (MNLF) chairman of the UN’s support in his declaration of independence.

PAGSASAMPA NG IMPEACHMENT

CASE SA MGA MAHISTRADO NG SC,

TINUTULAN NG SC

Kamakailan lang ay nagbanta si Oriental Rep. Reynaldo Umali na sasampahan ng impeachment ang mga mahistrado ng Korte Suprema dahil sa flip-flopping sa kaso ni Marinduque Rep. Gina Reyes, hindi pagkilala sa kapangyarihan ng Kongreso at ang pakikialam nito sa Lehislatura. Mahigpit namang tinutulan ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr. ang bantang ito ng pagsasampa ng impeachment complaint laban sa mga mahistrado ng Supreme Court (SC).

Pahayag ni House Speaker Belmonte, kung magsasampa si Umali ng impeachment complaint laban sa mga mahistrado ay sarili lamang itong hakbang ni Umali at hindi nangangahulugan na pabor na ang mahigit sa 200 na kongresista. Ayon pa sa Speaker, nakaapekto rin sa kanila ang naging desisyon ng SC subalit hindi pa ito sapat maging grounds para sampahan ng impeachment complaint ang mga mahistrado. Makabubuti umanong huwag silang makialam at hindi na magbigay ng anumang pressure sa Korte Suprema. Tiwala si Belmonte na ang isinusulong ni Umali ay hindi susuportahan ng mayorya ng mga mambabatas.

10K ANNIV. BONUS PARA

SA DOLE EMPLOYEES

Inihayag ni Pangulong Benigno Aquino III ang pagkakaloob ng P10,000 anniversary bonus ng bawa’t empleyado ng Department of Labor and Employment (DOLE) para sa kanilang ika-80 anibersaryo at pinuri sa pamumuno si Sec. Rosalinda Baldoz sa magandang performance ng DOLE. Sinabi rin ng Pangulong Aquino na may isang ahensiya ng gobyerno na nagdiwang ng kanilang anibersaryo subali’t hindi niya inaprubahan ang anniversary bonus ng mga ito dahil umano sa kanilang ‘poor performance.’ Pabirong sinabi ng Pangulo na gusto sana niyang gawing P20,000 ang ibigay na bonus sa mga empleyado ng DOLE subali’t hindi raw ito uubra dahil baka magtampo ang ibang ahensiya ng gobyerno.

MAS MATINDING PARUSA LABAN SA

ABORSYON

Isinusulong ni Manila Rep. Amado Bagatsing ang House Bill 3201 kasunod ng mga ulat na natatagpuang fetus sa mga basurahan, kaugnay ito sa dumaraming bilang ng mga nagpapalaglag na kababaihan.

Pahayag ni Bagatsing “These fetuses are the unwanted and uncared for unborn babies who have been wantonly murdered to hide the shame of their mothers. “ Sinabi pa ni Bagatsing na naaayon sa batas na kailangang pangalagaan ang buhay ng mga ina at ng kanilang mga nasa sinapupunan.

Ang parusa sa mahuhuling sadyang nagpapalaglag ay ang habambuhay na pagkakakulong, habang 12 hanggang 20 taong pagkakakulong ang parusa sa mga ina. Parusa sa abortion by violence unintentionally ay pagkakakulong ng isang buwan at isang araw hanggang anim na buwan. Makakasuhan din ang mga doktor, midwife at pharmacist na magbibigay ng mga abortifacient na gamot sa mga buntis at magbabayad ng P100,000. KMC

(24)

SHow

bIz

RYZZA MAE DIZON & JAMES YAP JR.

RACHEL ANN GO

Halos ‘di makapaniwala si Rachel nang lumabas ang announcement ng London cast ng Miss Saigon 2014 na ‘sya ang gaganap na Gigi sa revival ng “Miss Saigon” sa Prince Edward Theater sa London na magsisimula sa May. Ito ang naging bunga ng kanyang pag-o-audition sa West End revival ng musical na Miss Saigon, gaganap si Rachel bilang isang prostitute na Vietnamese bar girl na una nang ginampanan ni Isay Alvarez noong 1989. Pahayag ni Rachel “Sana, makayanan ko ang mag-two-piece,”

kailangan daw n’yang mag-w o r k o u t daw para magkaroon siya ng abs.

Nagpapasalamat si Aiza kay Vic Sotto dahil muli siyang isinama sa pelikulang entry sa MMFF, ang My Little Bossings ng TAPE, Inc., at nakatataba raw ng puso na pamilya pa rin ang turing sa kanya ng buong dabarkads ng Eat Bulaga. Hindi maikakaila na si Vic ay itinuturing ni Aiza na second father, mentor, kaibigan, inspiration, at idol, natutuwa rin s’ya nang sabihin ni Bossing kahit may Ryzza Mae Dizon na itong tinutulungan, ay si Aiza pa rin ang “Original baby” ni Bossing Vic.

Isa sa pinakaabalang actor ng Kapuso Network si Rocco, kaliwa at kanan ang ginagawa niya kaya wala raw siyang time sa lovelife. Bida at ka-partner n’ya si Lovi Poe sa Akin Pa Rin ang Bukas, at co-host din siya ni Mariz Umali sa programang Out of Control. Kamakailan lang ay tumanggap s’ya ng dalawang award mula sa Philippine Quill Awards for Excellence and 2013 Catholic Mass Media Awards para sa programang Bayan Ko. Gumanap din s’ya bilang bilang Pedro Calungsod: Batang Martir, the second Filipino saint, naging entry ng HPI Productions sa Metro Manila Filmfest.

ROCCO NACINO

KIM CHIU

AIZA SEGUERRA

DINGDONG DANTES

Kamakailan lang ay lumabas ang iba’t-ibang reaction matapos sabihin ni Marian Rivera na “Kabiyak” niya si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa acceptance speech niya sa 1st Gintong Palad Awards Night na ginanap sa One Esplanade. “Sa ngalan po ng aking kabiyak ay nakikita ko po ang kanyang pagmamalasakit at pagmamahal sa kanyang kapuwa, higit lalo po sa Yes Pinoy Foundation niya. Talagang ipinagmamalaki ko po siya,” bahagi ng pahayag ni Marian. Ang parangal ay mula sa Movie Writers Welfare Foundation, headed by movie writer and Solar Entertainment publicist Emy Abuan. May mga nagsabing hindi raw kaya secretly married na sina Dingdong at nobyang si Marian? Silang dalawa lang ang makasasagot n’yan. Hindi na mapipigilan pa ang pag-angat ng

career ng godchild ni Vic Sotto na si Ryzza Mae. Nang maging nominado si Ryzza Mae sa nakaraang Star Awards for Television bilang Best Comedy Actress at Best Showbiz-oriented Talk Show Host ay binulabog niya ang maraming malalaking pangalan sa industriya. Indikasyon ito na marami ng followers si Aleng Maliit ng Eat Bulaga. Ang tambalan nina Ryzza Mae at Bimby Yap, Jr. sa pelikulang My Little Bossings sa Metro Manila Film Festival ay sinupotahan din ni Kris Aquino

Kamakailan nang maging-guest ni Kris Aquino sa Kapamilya Network na KrisTV sina Kim Chiu at Xian Lim ay kapuna-puna ang kilos nilang dalawa na parang sila na nga, dahil hindi na nila kinokontra ang assumption ni Kris na may relasyon na sila. Ayon sa kanilang dalawa, kasama rin sa mga activities nila ang kanilang mga pamilya. Malaking pasasalamat din ni Xian na naging malapit sila sa Diyos dahil sa tulong ni Kim, at ginagawa nilang regular at palagi ang pagiging malapit sa Diyos. Mukhang masaya at magkasundong- m a g k a s u n d o naman sina Kim at Xian.

参照

関連したドキュメント

色で陰性化した菌体の中に核様体だけが塩基性色素に

NO NAMA NOMOR TANDA PESERTA No Virtual Account 1

ImproV allows the users to mix multiple videos and to combine multiple video effects on VJing arbitrary by data flow editor. We employ a unified data type, we call, Video Type which

実行時の安全を保証するための例外機構は一方で速度低下の原因となるため,部分冗長性除去(Par- tial Redundancy

テキストマイニング は,大量の構 造化されていないテキスト情報を様々な観点から

4 S.Gehlin and B.Nordell Thermal Response Test — Mobile Equipment for Determining the Thermal Resistance of Boreholes, Proceedings 7th International Conference on Thermal

[1] J.R.B\"uchi, On a decision method in restricted second-order arithmetic, Logic, Methodology and Philosophy of Science (Stanford Univ.. dissertation, University of

は ) 変調が激し $A\backslash$ ときに, 小さ $A\backslash$ スケールの砕波 (spilling breaker) や表面張力波が確認されて $A\backslash$ る [1].. Dysthe 方程式によると ,